Home NATIONWIDE Desisyon ng SC sa konstitusyonalidad ng TRAIN Act, pinuri ng DOF

Desisyon ng SC sa konstitusyonalidad ng TRAIN Act, pinuri ng DOF

93
0

MANILA, Philippines – Maganda ang pagtanggap ng Department of Finance (DOF) sa naging desisyon ng Korte Suprema na ideklara ang konstitusyonalidad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act sa kabila ng mga petisyon kontra dito dahil sa pagiging anti-poor nito.

Matatandaan na ibinasura ng SC ang “anti-poor” argument ng mga petitioners dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya.

Ayon sa SC, ang pagpapataw ng regressive taxes ay hindi ipinagbabawal ng Konstitusyon.

“The implementation of the TRAIN Act provided significant relief to taxpayers while generating necessary revenues that fund the country’s infrastructure projects and other priority programs,” pahayag ni DOF Secretary Benjamin Diokno nitong Huwebes, Pebrero 9.

Ang TRAIN Act ang isa sa mga kauna-unahang mga ipinatupad ng nakaraang administrasyon sa Comprehensive Tax Reform Program (CTRP), na naglalayong padaliin, gawing patas at mas episyente ang tax system ng bansa.

Tumutulong din ang naturang programa sa revenue generation ng bansa na kailangan upang tugunan ang kahirapan at mas pagbutihin pa ang ekonomiya.

“Game-changing tax reforms such as the TRAIN and CREATE (Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises) Act, paved the way for our country’s continued economic growth and fiscal sustainability,” ani Diokno.

Itinutulak naman ng DOF ang pagpasa sa iba pang packages sa ilalim ng CTRP na kasalukuyang pending pa sa Kongreso, kabilang ang modernization ng real property valuation and assessment, at pagpapasimple sa taxation of passive income at financial intermediaries. RNT/JGC

Previous articlePBBM nakiramay sa 2 nasawing Pinoy sa Turkey quake
Next article1,200 patay sa cholera sa Malawi – WHO