Home NATIONWIDE Desisyon sa DQ case vs Smartmatic ilalabas sa Nob. 22

Desisyon sa DQ case vs Smartmatic ilalabas sa Nob. 22

MANILA, Philippines- Target ng Commission on Elections (Comelec) na resolbahin ang disqualification petition na inihain laban sa voting technology provider Smartmatic sa Nov. 22, ayon sa chairman nito noong Biyernes.

“Hopefully po, ito final na, hopefully sa Wednesday madesisyunan namin ‘yan kasi gusto po namin mailabas ang desisyon bago magkaroon ng submission ng lahat ng bid documents ng lahat ng magpa-participate,” pahayag ni Comelec Chairman George Garcia.

Sinabi ng opisyal na Garcia ang petisyon ay para sa diskwalipikasyon at hindi para sa blacklisting.

Noong Hunyo, naghain sina dating Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio, dating Comelec Commissioner Augusto Lagman, Franklin Ysaac, at Leonardo Odoño ng petisyon na nananawagan na rebyuhin ang kwalipikasyon ng Smartmatic.

Sa kabila ng pending resolution ng disqualification petition, nakibahagi pa rin ang Smartmatic sa pre-bid conference para sa bagong automated election system para sa 2025 midterm elections nitong Lunes.

Inihayag ng Comelec Special Bids and Awards Committee na tatlong technology firms na ang nakabili ng bidding documents para sa halos ₱18.8-billion project. Kabilan g dito ang Smartmatic Philippines – TIM Inc., Pivot International, at Miru Systems Co. Ltd.

Umaasa umano si Garcia na mahigit limang bidders ang makikilahok upang palawakin ang playing field.

“What is important is yung substance, sa kagustuhan natin maayos na makina na gusto ng sambayanan at yung medyo mura naman dahil pondo at pera ng bayan gamit natin dito,” dagdag ni Garcia.

Nakatakda ang deadline para sa submission of bids sa Nov. 28, alas-9 ng umaga, habang ang pagbubukas ng bids ay kasado sa parehong araw, alas-10:30 ng umaga sa Comelec Hall. RNT/SA

Previous article‘Big-time’ onion smuggler timbog sa Batangas
Next articleVP Sara kasunod ng Davao Occidental quake: Maging kalmado