Home HOME BANNER STORY DFA: 18 tripulanteng Pinoy oil tanker palalayain kung..

DFA: 18 tripulanteng Pinoy oil tanker palalayain kung..

MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Martes na palalayain ang 18 Pilipinong sakay ng nahuling oil tanker sa Gulf of Oman kapag pinalitan sila ng mga bagong tripulante.

“Ang gusto ng kompanya makahanap ng replacement sa kanilang 18 para palayain na sila,” pahayag ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing.

Ani De Vega, nais ng Philippine government na palitan ang mga tripulante ng St. Nikolas, Marshall Islands-flagged tanker, ng ibang lahi.

Binanggit niya na ang 81,200-ton vessel, hindi ang Filipino crew, ang subject ng legal case. Base sa diplomat, nakaditine pa rin ang mga Pilipino upang pangasiwaan ang oil tanker.

“Ang isyu lang po bakit hindi pa sila pinapalaya, kasi hindi naman sila ang subject ng legal case doon iyong barko ang subject ng legal case, kasi po kailangan po may magpatakbo ng barko kahit naka-anchor sa port. Kung walang tripulante maaaring masira ang engine o kung ano-ano ang mangyari,” wika niya.

Nauna nang hiniling ni DFA Secretary Enrique Manalo sa Iranian government na palayain ang 18 Filipino crew.

Sa post sa X (dating Twitter), sinabi ni Manalo na inihirit niya ito sa pulong kasama si Mohammad Mokhber, 1st Vice President ng Iran, sa sidelines ng Non-Aligned Movement Summit 2024 sa Uganda.

“We had a candid exchange on geopolitical issues and the safety & welfare of PH seafarers. We also noted the potential to grow PH-Iran trade relations,” ani Manalo.

“I likewise asked for the release of the 18 PH seafarers currently aboard the detained ST Nikolas, and requested that Iran continue to grant consular access to our Embassy in Tehran, and allow regular contact between the seafarers and their families back home,” saad pa sa kanyang post.

Noong January 11, nasabat ng Iran ang St. Nikolas karga ang 145,000 toneladang langis mula sa Iraq patungongTurkey. 

Anang Iran, ito ang ganti nito sa “theft” nito mula sa parehong tanker — na dating kilala bilang Suez Rajan — noong nakaraang taon ng United States.

Kinondena naman ng Washington ang tinawag nitong “unlawful seizure” at iginiit sa Iran “to immediately release the ship and its crew.” RNT/SA

Previous articleSenate panel nagpalabas ng subpoena vs Quiboloy
Next articleDOJ makikipagtulungan kay UN Rapporteur Khan; PH justice system tatalakayin