Home HOME BANNER STORY DFA, DMW: Domestic deployment sa Kuwait, ipagpapatuloy kung..

DFA, DMW: Domestic deployment sa Kuwait, ipagpapatuloy kung..

514
0

MANILA, Philippines- Nagbigay ng isang konsidyon ang gobyerno ng Pilipinas upang alisin ang pagsususpinde nito sa deployment ng mga household service worker sa Kuwait.

Ito ay kung magagarantiyahan ng host country ang proteksyon ng mga manggagawa, kabilang ang pagpapahintulot sa mga shelter na pinamamahalaan ng gobyerno ng Pilipinas para sa mga distressed overseas Filipino workers (OFWs).

Inihayag ito nina Undersecretary Eduardo Vega ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Undersecretary Hans Cacdac ng Department of Migrant Workers (DMW) nang tanungin ng mga mambabatas sa non-negotiables sa patuloy na pakikipag-usap sa Kuwait tungkol sa pagbabawal sa mga bagong manggagawang Pilipino sa bansang Arabo.

Ipinagbawal ang pagpasok ng bagong Pilipinong manggagawa sa Kuwait makaraan ang tatlong buwan matapos suspindehin ng Pilipinas ang deployment ng mga household service worker sa Kuwait dahil sa mga kaso ng pang-aabuso, kabilang ang pagkamatay ng OFW na si Jullebee Ranara, isang household service worker na ang katawan ay natagpuang sunog sa gitna ng isang disyerto sa Kuwait. Siya ay iniulat na ginahasa at nabuntis ng 17-anyos na anak ng kanyang amo.

“The non-negotiables are: our shelter [for distressed OFWs] have to [remain] there, as it is in the law passed by Congress. We will look at how we can reach a compromise on that. There also has to be justice for Jullebee Ranara, and improvement on the conditions of our workers,” sabi ni de Vega sa mga mambabatas.

Sinabi ni De Vega na mayroong hindi bababa sa 466 na distressed OFW na nananatili sa shelter sa Kuwait.

Sinang-ayunan din ni Cacdac si de Vega ay sinabing ang deployment ng mga household service worker sa Kuwait ay tiyak na ipinagpaliban upang bigyang daan ang mga reporma.

Binigyan-diin ni Cacdac na wala na dapat masaktan, mahalay, mabugbog o mamatay na Pilipino sa kamay ng kanilang employer.

Aniya dapat magkaroon ng probisyon upang maiwasan ang mga pang-aabuso at matugunan ang mga pang-aabuso kung mangyari ito, tulad ng pag-access sa hustisya at mga reporma sa mga kontrata sa pagtatrabaho. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePBBM balik-bansa matapos dumalo sa 42nd ASEAN Summit
Next articlePhishing mitsa ng unauthorized transactions sa GCash – BSP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here