MANILA, Philippines – INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na makipagtulungan sa gobyerno ng Hawaii na tulungan ang mga Filipino na naapektuhan ng wildfires.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ramdam niya ang bigat ng trahedya sa Filipino and Filipino-American communities.
“In the spirit of unity and compassion, I have instructed the DFA and DMW to collaborate with the state of Hawaii to assist grieving families and help Filipino communities rebuild,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang tweet.
“We stand in solidarity with those affected, offering our condolences and continued support,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Sa kabilang dako, umakyat na sa 29 ang death toll sa mga Filipinos at Filipino-Americans kasunod ng Maui wildfires.
Ang mga bagong kinilalang biktima ay kinabibilangan ng 7 miyembro ng Quijano family at dalawang miyembro ng Recolizado family.
Samantala, nanawagan ang Maui Police Department sa publiko na i-report sa kanila kung may nawawala sa kanilang mahal sa buhay. Kris Jose