Home NATIONWIDE DFA: Mga Pinoy sa Libya pinipiling manatili sa kabila ng pagbaha

DFA: Mga Pinoy sa Libya pinipiling manatili sa kabila ng pagbaha

347
0

MANILA, Philippines- Wala pang Pilipino sa Libya ang humiling ng repatriation sa kabila ng malawakang pagbaha sa North African country, ayon kay Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega nitong Huwebes.

“No requests for repatriation in Libya. None. For our kababayans who wish to be repatriated, just contact the Philippine Embassy and we will repatriate you. The embassy is in touch already with Filipinos [in Libya],” sabi ng DFA official sa isang phone interview.

“For [individuals] in the Philippines who have missing relatives [in Libya], do contact us through [the] OFW Help Facebook page so we can ask [the embassy] to locate their relatives if they are missing,” dagdag niya.

Ayon kay de Vega, wala silang natanggap na ulat ng Pilipinong nasawi sa pagbaha sa Libya.

Batay sa datos ng DFA, 1,100 Pilipino ang nasa eastern Libya. Sa bilang na ito, 90, karamihan ay nurses, ang nananatili sa Derna, Umm al-Rizam, al-Bayda, at Tacnis. Subalit lahat sila a ligtas, batay sa DFA, at patuloy na naglilingkod bilang hospital front liners.

Nagresulta ang mediterranean storm Daniel ng malakas na pagbaha na umanod sa mga kabahayan sa ilang coastal towns sa silangan ng Libya.

Sinabi ni Prime Minister Ossama Hamad ng east Libyan government nitong Lunes na aabot sa 2,000 indibidwal ang pinaniniwalaang nasawi sa Derna city habang libo-libo pa ang nawawala. Aniya pa, idineklara ang Derna bilang disaster zone.

Nitong Miyerkules, sinabi ni Ossama Ali, tagapagsalita para sa ambulance center sa eastern Libya, na hindi bababa sa 5,100 pagkasawi ang naitala sa Derna, kabilang ang halos 100 pa sa east Libya. Pahayag pa niya, mahigit 7,000 indibdiwal ang sugatan sa siyudad.

Samantala, inihayag ng tagapagsalita ng eastern Libyan interior ministry na ang death tally sa Derna ay mahigit 5,300, base sa state-run news agency.

Inilahad ni Ali na posible pang tumaas ang bilang ng mga nasawi dahil kinokolekta pa ng mga team ang mga bangkay. Hindi bababa sa 9,000 inidbdiwal ang nawawala, subalit maaari itong bumaba kapag naayos na ang linya ng komunikasyon.

Inihayag ng United Nation’s International Organization for Migration na hindi bababa sa 30,000 inidbidwal sa Derna ang inilikas dahil sa baha. RNT/SA

Previous articleTeodoro sa presensya ng  US plane sa WPS: ‘We need the assistance’
Next articleDICT pinagpapaliwanag ni Poe sa P300M confidential fund

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here