Home HOME BANNER STORY DFA nagbabala sa pekeng impormasyon sa sitwasyon sa WPS

DFA nagbabala sa pekeng impormasyon sa sitwasyon sa WPS

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko laban sa pekeng impormasyon kaugnay sa sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS).

“For far too long, the narratives surrounding the West Philippines Sea have been obscured by disinformation,” ang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa isang panayam.

“Genuine photos and videos or those that are not AI-generated or digitally manipulated speak louder and more powerfully than a myriad attempts of disinformation and the peddling of false narratives,” dagdag na wika nito.

Upang tugunan ito, magkakaroon ng pag-uusap ang Pilipinas at Estados Unidos tungkol sa kanilang cyber digital policies.

Sa ulat, patuloy naman ang tensyon sa WPS bunsod na rin ng malawakang pag-angkin ng China sa South China Sea kabilang na ang bahagi ng Pilipinas na itinuturing bilang WPS. Kris Jose