MANILA, Philippines- Nagbabala ang Department of Foreign Affairs nitong Lunes sa publiko laban sa pekeng websites na sinasabi umanong nag-aayos ito ng e-Visa application para makapasok sa Pilipinas.
Sa nadiskubreng active website na naglalaman ng misinformation hinggil sa e-Visa at iba pang regulasyon, pinaalalahanan ng DFA ang publiko na ipo-post lamang ang tamang impormasyon sa official channels ng ahensya.
Anito pa, hindi pa umaarangkada ang e-Visa system.
“As announced in its press briefing on 26 July 2023, the Philippine e-Visa system will be soft-launched in Philippine Foreign Service Posts in China on 24 August 2023,” pahayag ng ahensya.
Sa kasalukuyan, dine-develop pa ang Philippine e-Visa system sa pakikipagtulungan sa Department of Information and Communications Technology (DICT). RNT/SA