MANILA, Philippines – Tumindi pa ang panawagan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino na umalis sa Sudan sa gitna ng babala ng United Nations na ang bansa ay nasa bingit ng isang “full scale civil war.”
“Please, habang may kuryente pa, habang may flights pa, habang may internet pa,” ayon sa panawagan ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega.
“Puwede pa. May chance pa. Humanda ka, kunin mo ang ipon mo, pumunta ka sa Port Sudan at kami na ang mag-aayos ng flights mo,” dagdag pa ni De Vega.
Hindi bababa sa 100 mga Pilipino ang nasa lugar na nagulo, kabilang ang 30 indibidwal na naghihintay sa Port of Sudan para sa kanilang mga flight.
Humigit-kumulang 700 Pilipino ang nauna nang naiuwi sa Pilipinas.
Sinabi ng DFA na ang mga gustong lumikas ay maaaring umalis sa Port of Sudan o sa pamamagitan ng Egypt pagkatapos ng koordinasyon sa Philippine Embassy sa Cairo. RNT