Home NATIONWIDE DFA umaasa sa pagbabalik ng OFW deployment talks sa Kuwait

DFA umaasa sa pagbabalik ng OFW deployment talks sa Kuwait

336
0

MANILA, Philippines – Umaasa ang bansa na maitutuloy na ang usapin kasama ang Kuwait patungkol sa posibilidad ng pagbabalik ng deployment para sa Overseas Filipino Worker (OFW) deployment sa nasabing bansa.

Ito ay kasunod ng sentensya sa 17-anyos na si
Turki Ayed Al-Azmi na suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa OFW na si Jullebee Ranara.

Sa panayam, sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na isang positibong hakbang na nakuha na ang hustisya ng pamilya ni Ranara, at kinikilala rin ang ginawa ng Kuwait para rito.

“We are hoping to sit down again with Kuwait so that we can talk about the current situation and find solutions,” ani de Vega.

“Depending on what our colleagues in the Department of Migrant Workers (DMW) also feel, I think we can request Kuwait to resume our talks so that we see how we can move forward so we could eventually lift the suspensions on both sides,” dagdag pa niya.

Kung matatandaan, ang pagpatay kay Ranara ang naging dahilan para pansamantalang ihinto ng DMW ang pagproseso ng aplikasyon sa first-time OFWs na patungong Kuwait.

Kasunod nito, sinuspinde naman ng Ministry of Interior ng Kuwait ang paglalabas ng lahat ng uri ng visa para sa mga Filipino. RNT/JGC

Previous articleP42M ismagel na bigas nasamsam ng BOC sa Zamboanga
Next articleMPD, handa na sa paparating na board exam

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here