Home NATIONWIDE DFA wala pang natatanggap na repatriation request mula sa mga Pinoy sa...

DFA wala pang natatanggap na repatriation request mula sa mga Pinoy sa Israel

MANILA, Philippines- Wala pang natatanggap na request for repatriation sa gitna ng pag-igting ng tensyon at karahasan sa re Israel, ayon kay Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega nitong Lunes.

“No requests [for repatriation] so far. This conflict between Israel and Hamas is something which Filipinos in the area are used to. There is this cycle of escalation of hostilities, then end, then back. Filipinos are resilient,” pahayag ni De Vega.

Subalit, inihayag ni De Vega na handa silang tulungan at asistihan ang mga Pilipino na nais umuwi ng bansa.

Sinabi rin niya na bineberipika ng Philippine Embassy sa Israel ang impormasyong ibinahagi ng Israel-based overseas Filipino worker (OFW) na walong Pilipino ang nawawala.

“[I]f the Pinoy is saying 8, Embassy is checking,” ani De Vega.

Sa isang panayam nitong Lunes, sinabi ni Benjamin Nepomuceno na naka-post ang impormasyon ukol sa walong nawawalang Pilipino sa Facebook community page.

“As of the moment, nakikita ko mga eight Filipinos ang nawawala and meron din tayong Filipinos na nasa ospital,” pahayag ni Nepomuceno.

“Pero unverified pa po itong mga details na ito talaga,” dagdag niya.

Ani Nepomuceno, may posibilidad na hindi ma-contact ang mga nawawalang Pilipino dahil naiwan nila ang kanilang cellphone nang magmadali sa paglikas sa kasagsagan ng pag-atake.

Inatake ng Palestinian Hamas group nitong weekend ang Israeli targets na nagresulta sa daan-daang nasawi at nagtamo ng sugat.

Sinabi ni De Vega na bineberipika ng Philippine Embassy ang mga ulat na isa ang Filipino caregiver sa dinukot ng attackers.

“Our Embassy is verifying such reports,” ayon kay de Vega. RNT/SA

Previous articleLabis na RCEF collections ipamigay sa mga magsasaka – PBBM
Next articleSubsidy mas mainam kaysa taas-pasahe – mga commuter