Home NATIONWIDE DHSUD lumikha ng programa para sa shelter assistance ng mga biktima ng...

DHSUD lumikha ng programa para sa shelter assistance ng mga biktima ng kalamidad

MANILA, Philippines- Lumikha ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ng komprehensibong emergency shelter response plan na naglalayong pabilisin at tiyakin ang systematic government response para sa mga pamilya na nawalan ng tahanan sa panahon ng natural calamities.

Binansagan bilang Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP), ang paglikha nito ay sa pamamagitan ng department order na ipinalabas ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na nagsasabing titiyakin nito ang epektibong paghahatid ng tulong sa mga pamilyang apektado ng kalamidad.

“This program defines the interventions and provides implementation guidelines during its three phases: emergency response, early recovery, and rehabilitation and recovery,” ayon kay Acuzar.

“We want a dependable government under Bagong Pilipinas and this program will ensure that the assistance we will be providing is holistic, from the disaster’s onset up to rehabilitation and recovery,” dagdag na pahayag nito.

Sa emergency response phase, ipinaliwanag ni Acuzar na ang pinag-ugnay na pagsisikap sa hanay ng iba’t ibang ahensya at organisasyon ay dapat na mangyari kasunod ng pagsisimula ng kalamidad para pagaanin ang epekto nito.

Gayundin, kabilang dito ang probisyon ng one-time emergency shelter support (ESS) para sa mga Pilipinong may totally damaged houses para tugunan ang kanilang kagyat na housing needs.

Aniya, titiyakin nito ang ‘immediate receipt’ ng tulong ng pamahalaan sa calamity-affected residents.

Sa kabilang dako, inatasan naman si DHSUD Undersecretary for Disaster Response Randy Escolango na ipatupad ang emergency response phase sa ilalim ng IDSAP at inatasan na bumuo ng Shelter Response Team (SRT), naglalayong tulungan at dagdagan ang pagsisikap para ihatid ang tulong sa mga biktima ng kalamidad.

Sa ilalim ng phase na ito, ang one-time emergency shelter support na nagkakahalaga ng P15,000 ay ipagkakaloob sa mga karapat-dapat na pamilya, iyon nga lamang ay ‘subject’ ito sa availability ng pondo.

“Eligibility and documentation requirements are likewise provided, as well as the vulnerability criteria,” ayon sa ulat.

Nakadetalye rin sa issuance ang mga pamamaraan sa implementasyon ng emergency shelter support, fund management, monitoring at reporting ng implementasyon at structure at manpower requirements.

Samantala, ang second at third phase ng IDSAP ay nakatuon sa early recovery, at rehabilitasyon.

“Efforts on Phase 2 are directed towards helping affected areas regain a sense of normalcy and stability,” ayon pa rin sa ulat.

Saklaw naman ng huling phase ang restorasyon at improvement ng antas ng pamumuhay matapos ang post-disaster at bawasan ang risk factors, alinsunod sa “build back better” principles. Kris Jose

Previous article3 batas nakatakdang lagdaan ni PBBM sa Peb. 26
Next articleSen. Binay nabahala sa lumiliit na interes sa paggunita sa 1986 People Power