Home NATIONWIDE ‘Di bababa sa 91 kandidato binigyan ng show-cause order ng Comelec

‘Di bababa sa 91 kandidato binigyan ng show-cause order ng Comelec

222
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na hindi bababa sa 91 na kandidato para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang nabigyan ng show cause order dahil sa umano’y mga paglabag sa halalan.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia , binigyan ang mga kandidato ng tatlong araw mula sa pagtanggap ng show cause order para ipaliwanag ang kanilang panig hinggil sa mga akusasyon.

Paulit-ulit nang nagbabala ang Comelec laban sa premature campaigning dahil ang campaign period ay magsisimula sa Oktubre 19 hanggang Oktubre 28.

Sinabi ni Garcia na ang Comelec ay may kapangyarihan na mag-imbestiga at maghain ng sariling reklamo laban sa kandidato na lumabag.

Ayon kay Garcia, kahit ang paglalagay ng posters at pagpost sa social media bago ang campaign period ay maikokonsiderang premature campaigning.

Nauna nang hinimok ni Garcia ang mga botante na magsampa ng mga reklamo laban sa mga kandidato ng BSKE na mangampanya bago pa man magsimula ang opisyal na panahon ng kampanya.

Ang BSKE 2023 ay gaganapin sa Lunes, Oktubre 30. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleIndigent students inayudahan ni Bong Go
Next articlePondo sa ‘Learning recovery plan,’ isasama sa 2024 budget ng DepEd

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here