Home OPINION ‘DI BALENG WA PERA, BASTA WA SAKIT!

‘DI BALENG WA PERA, BASTA WA SAKIT!

WALA sa estatistika at hindi naibabalita na maraming Juan at Maria ang namamatay
dahil sa kahirapan at kakulangan sa access ng modernong medical facilities.

Ano pa man ang dahilan ng gobyerno, ‘yan ay hindi maitatatwa kaya ‘out of frustration’
ganito ang karaniwang sambit ng mga pinoy: “‘di baleng walang pera, basta wala lang
tayong sakit”.

Totoo nga naman dahil, hikahos ka nga tapos magkakasakit ka pa, eh ‘di doble-dobleng
problema. Wala ka ngang madukot kahit pamasahe man lang patungo sa doctor dahil
sa kahirapan ng buhay, eh ‘di lalong walang pambayad para sa professional fee ng
manggagamot.

‘Di tayo tulad ng America, Canada at maraming bansa sa Europa na ang mamamayan
ay may full access sa medical modern facilities dahil sa tulong ng kanilang gobyerno.
Pero ‘di dahilan ang kahirapan para makamit natin ang mimithing health care dahil may
nakalatag nang mga programa ang gobyerno kaya lang ay di lubos na nararamdaman
ng mamamayan.

Tulad ng nabanggit nating mga bansa na prayoridad ang health care, panahon na para
maramdaman ng mga Pinoy na may gobyernong nagmamalasakit kapag dinadapuan
ng karamdaman.

May mga government health program pero sa totoo lang, ang Malasakit Health Bill ni
Sen. Christopher “Bong” Go lamang ang gumagana dahil tinututukan ng mambabatas.
Bukambibig ito ng mga nagkakasakit  na nakatulong sa kanilang hospital confinement at
iba pang gastos sa pagpapagamot ang Malasakit ni Go, patunay na ramdam nila ang kagalingan ng bill na  ito.
Sinimulan noong 2018 sa pamamagitan ng Executive Order ng noo’y Pangulong
Rodrigo Duterte at sinusugan ng Bill ni Go, umabot na sa 10 milyong Pinoy ang
natulungan nito.

Hanggang sa panahong ito, halos 160 Malasakit Centers na rin na nakakalat sa buong
bansa na takbuhan ng mga nagkakasakit para makahingi ng tulong sa  hospitalization
at iba pang gastusin sa kanilang medikasyon.

Kung lahat ng opisyal ng pamahalaan ay tulad ni Go, na ika nga ni katotong Leo Palo,
“ang bisyo ay magserbisyo”   aba’y   tiyak na magbibigay ningning ito sa bansa na
kinukutya dahil sa palpak na takbo na pamahalaan.

Previous articleACCREDITED MOTORCYCLE TAXIS SA PILOT TEST DAPAT DAGDAGAN?
Next articleDASAL AT PAGKILOS