Home HOME BANNER STORY ‘Di lang pang motor riders, patas na alintuntunin sa checkpoint bubuuin ng...

‘Di lang pang motor riders, patas na alintuntunin sa checkpoint bubuuin ng Napolcom

Mahaba ang pila ng mga pasahero sa EDSA Bus Carousel Mega Q-Mart Station sa Quezon City nitong Martes matapos magdulot ng pagkaantala ang nakasabit na sagabal sa footbridge sa pagitan ng Magallanes at Taft stations ng MRT-3, dahilan upang humaba rin ang pila sa ilang istasyon ng tren. Danny Querubin

MANILA, Philippines – Nakatakdang maglabas ng alintuntunin ang National Police Commission (NAPOLCOM) ukol sa patas at non-discriminatory na pagsasagawa ng mga checkpoints para sa driving public lalo na sa motorcycle riders.

Sa ginanap na isang pagdinig sa Senado, sumang-ayon si NAPOLCOM vice chairperson at Executive Officer Alberto Bernardo sa mga senador na dapat ding isailalim sa pagsusuri ang iba pang pribadong sasakyan sa mga checkpoint na isinasagawa ng Philippine National Police (PNP).

“Totoo po na dapat pareho lamang. Hindi ‘yung motorsiklo lang, dapat kasama din ‘yung mga sedan vehicles lalo na kung may crimes committed within the vicinity at kung kelan magko-conduct po ng mga checkpoint,” dagdag niya.

Si Bernardo ay tumugon kay Senador Raffy Tulfo na naghain ng Senate Bill No. 1977 o ang Checkpoint Regularization Act na naglalayong i-regulate ang pagtatatag ng mga checkpoint upang maiwasan ang anumang iba pang paglabag sa mga karapatan sa konstitusyon ng riding public laban sa hindi makatwirang paghahanap.

“Sana sa mga susunod na linggo, makakatanggap na po kami ng memorandum na ‘yan and then idi-distribute po natin sa lahat ng police stations sa buong Pilipinas,” ani Tulfo.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga alituntunin para sa mga checkpoint ay dapat na “ipinatupad nang pantay-pantay para sa lahat ng mga motorista kung sila ay nagmamaneho ng dalawa, tatlo, o apat na gulong na sasakyan.”

Samantala, hinimok din ni Sen. Ronald dela Rosa si Bernardo na ulitin sa resolusyon ang pagsunod sa “plain view doctrine” na aniya ay “madalas na nilalabag” ng mga tauhan ng pulisya. RNT

Previous articleCloud seeding sa Region 2 ikinokonsidera ng DA
Next articleP13B matitipid ng gobyerno sa saay na Cha-cha plebiscite at 2025 midterm poll