‘Di pakikipagtulungan ng PNP sa drug war probe, pinalagan ng CHR

‘Di pakikipagtulungan ng PNP sa drug war probe, pinalagan ng CHR

July 1, 2020 @ 1:35 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Pinalagan ng isang opisyal mula sa Commission on Human Rights (CHR) ang hindi pakikipagtulungan umano ng pulisya sa imbestigasyon ng mga pang-aabuso sa karapatang pantao kaugnay ng anti-drug war.

“I have been in the CHR for 27 years, and never could I remember such non-cooperation experienced by the CHR until this Duterte administration,” ani CHR Commissioner Karen Dumpit sa isang panayam sa radyo.

“Kahit kaunting cooperation sa kapulisan when we request for information, iyong mga regional officers po namin, they always mention that the police does not cooperate, they say they need to ask permission from higher-ups. Kapag nakikipagdayalogo kami, ayaw nila,” dagdag nito.

Isinagawa nito ang pahayag makaraang sabihin ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang pagkakalunsad sa isang inter-agency panel na susuri sa libo-libong operasyon ng anti-illegal drugs ng pulisya.

Bagamat tinanggap ni Dumpit ang pahayag ni Guevarra, mayroon itong ilang inaalala at sinabi ang karanasan ng komisyon sa kasalukuyang administrasyon.

“Definitely, it is a good development. Pero iba ang sinasabi, iba iyong ginagawa. Near impunity nga tayo sabi ng UN, at isa lang ang successful prosecution. Lagi nilang sinasabi na iyong line of dissent, CHR iyon. Pero dapat makipagtulungan sila,” aniya pa.

Binuweltahan din ni Dumpit ang pagpapaliwanag ng mga awtoridad na sinabing nanlaban ang mga napatay na suspek bagamat iba ang sinasabi ng mga sugat na natamo ng mga ito sa kanilang mga katawan.

Ayon pa kay Dumpit, hindi dapat maging katumbas ng kamatayan ang pagiging suspek sa isang krimen. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...