Dibdib ng ‘sweet 16’ nilamas; stepdad, kalaboso

Dibdib ng ‘sweet 16’ nilamas; stepdad, kalaboso

May 22, 2020 @ 8:18 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Arestado ang 35-anyos construction worker na umano’y nanghimas ng hinaharap ng isang 16 taong gulang sa Calumpit nitong Huwebes, May 21.

Nakilala ang suspek na si Roberto Nerio, step father mismo ng biktimang tawagin na lamang sa pangalang Shona. kapwa residente ng Barangay Iba O’ Este.

Sa report ng Calumpit police, nangyari ang paglamas sa dibdib ng biktima bandang 6:00 ng umasa sa naturang lugar.

Ayon sa imbestigasyon ni CPL Jessa Jenica Bitong, natutulog umano ang biktima nang biglang lamasin ng suspek ang dibdib nito.

Nagising ang biktima sa ginawa ng step father at nang mabisto ay inutusan siya na magsaing.

Nagsumbong sa ina ang biktima na mabilis naman na nagsumbong sa pulisya kaya naaresto ang kanyang step father.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness and RA 7610 habang nakakulong sa custodial facility ng police station. Dick Mirasol III

Share

Leave a Reply

Loading...