Home HOME BANNER STORY Dibidendo ng MP2 savings tumaas sa 7.05%

Dibidendo ng MP2 savings tumaas sa 7.05%

MANILA, Philippines – BAHAGYANG tumaas sa 2023 ang dividend rate ng Pag-IBIG Fund para sa regular at modified savings programs nito.

Sinabi ni Pag-IBIG chief executive officer Marlene Acosta na ang dividend rate para sa regular savings ay 6.55%, at 7.05% para sa modified Pag-IBIG o MP2 savings program para sa taong 2023.

Bahagyang mataas naman ang dividend rate kumpara sa pigura noong 2022.

Tinuran ni Acosta na hangad ng Pag-IBIG Fund ng mas mataas na dividend rates subalit maitutulak lamang nito paitaas ang interest rate sa housing program nito, malinaw na hindi naman adhikain ng ahensiya.

Para sa taong 2023, winika ni Acosta na nagawa ng Pag-IBIG na makamit ang “highest-ever net income nito na P49.79 billion 97.86% na mapupunta sa dividends ng mga miyembro.

“A rough computation for MP2 savers would translate the 7.05 percent dividend to P705 interest for a P10,000 savings for example.

This year, as the fund increases monthly contribution, the savings of members will also rise, estimated to add P35 billion to the fund’s coffers,” ayon sa ulat.

Nangangahulugan na ang loanable amount ng mga miyembro para sa short term loans ay tataas din gaya ng pagtaas ng kanilang savings.

Samantala, sinabi ni Acosta na 2 bagong programa ang ilulunsad ngayong Abril, ito ay ang quick loan facility na P5,000 at P10,000 para sa mga miyembro; at ang health at education loan program.

Ang huling programa ay naglalayong tulungan ang mga miyembro na mabayaran ang kanilang pagpapa-ospital o pangangailangan sa pang-edukasyon. RNT

Previous article“Unless otherwise provided by law” mainam na solusyon sa economic provision sa Konstitusyon – retired justice
Next articleInfra flagship projects ni-revamp ng gobyerno