Home NATIONWIDE DICT: Cyber incidents sa Pinas noong 2023 tumaas ng 62.44%

DICT: Cyber incidents sa Pinas noong 2023 tumaas ng 62.44%

MANILA, Philippines- Tumaas ng 62.44% ang cyber incident sa bansa noong nakaraang taon.

Sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ang Cybersecurity Bureau-National Computer Emergency Response Team (NCERT) ng bansa ang humawak sa 1,834 insidente hanggang nitong Disyembre 2023, kung saan tumaas ng 62.44% ang mga kaso gaya ng iniulat ng DICT sa isang social media post noong Enero 9.

Taliwas naman ito sa 1,129 cyber incident noong 2022.

“This highlights the Department’s dedication to fortifying defenses against cyber threats and ensuring a safer online environment,” ayon sa DICT.

Kasalukuyang pinangangasiwaan nito ang 17,080 digital certificates, pinalalakas ang seguridad ng online transactions.

Samantala, ang National Cybersecurity Plan (NCSP) para sa taong 2023 hanggang 2028 ay bumuo na may layuning pagtutuunan ang tatlong “strategic outcomes” gaya ng pagpapalakas ng cybersecurity policy framework, pagpapahusay sa seguridad para sa estado at mamamayan at pagpapaigting ng kakayahan ng cybersecurity workforce.

“The Department is likewise all-in on prioritizing data privacy and ensuring robust protection of Filipinos in the digital realm,” ayon pa rin sa DICT.

“The DICT’s efforts extend beyond incident resolution to implementing proactive measures, strategic planning, and collaborative initiatives, strengthening the nation’s digital resilience and security,” dagdag na pahayag ng departamento. Kris Jose

Previous articleSigaw ni Raymart: mga paratang ni Clau, ‘di totoo!
Next articleKalakalan ng gulay sa Baguio, La Trinidad balik-normal na