Home NATIONWIDE DICT: Gov’t agencies kailangan ng sariling cybersecurity teams

DICT: Gov’t agencies kailangan ng sariling cybersecurity teams

MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na dapat mayroong sariling cybersecurity response teams  ang lahat ng ahensya ng gobyerno bunsod ng tumataas na banta ng  cyberattacks. 

Inihayag ni DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy na habang ang Pilipinas ay mayroong National Computer Emergency Response Team (NCERT), hindi kayang tugunan ng team ang pangangailangan ng mga ahensya ng gobyerno. 

Ang NCERT ay isang unit sa ilalim ng  DICT na tumatanggap, nagrerebisa at tumutugon sa computer security incidents.  

“We… have to rely, kahit maliit na group lang, let’s say 7 people, in every large national government agency,” ayon kay Dy. 

“We respond to more than 3,000 events, or cybersecurity issues nationwide, mula January hanggang August. Pero ang mga tao namin puro mga [job order]” dagdag na pahayag nito.

“Job order staff do not have security of tenure, are paid less and do not have mandatory benefits, according to workers’ groups like COURAGE who oppose labor contractualization,” aniya pa rin. 

Winika pa ni Dy na dahil ang mga ahensya ng gobyerno ay walang sariling cybersecurity response unit, nangangahulugan na “we are sharing resources from the national level.” 

Sinabi pa ni Dy na “they could have responded to the ransomware attack on Philippine Health Insurance (PhilHealth) Corp.’s system sooner if we have the correct tools.” 

“Nag-down ‘yung online system ng PhilHealth for more than a week. I think mababawasan siya ng mga 3 days kung mayroon tayo ng klase ng automated tools that will make our analysis faster,” patuloy niya.

Aniya pa, medyo natagalan ang PhilHealth na ibalik ang sistema dahil sa kakulangan ng kakayahan at tools para i-analyze ang cybersecurity environment  dahil ang sistema ay eGovPH app.  

Sinabi pa nito na ang individual computer units ay kailangan na i-check upang masiguro na hindi masasapul ng Medusa malware. 

“Kung kumalat ‘yun, ko-konnect ‘yun sa amin. Yung DICT, connected din sa other agencies,” paliwanag niya.

“That is why PhilHealth took longer to up those systems. ‘Yun yung naging problema doon.” dagdag na pahayag nito. 

Binigyang-diin ni Dy ang kahalagahan ng confidential funds sa kanilang ahensya para labanan ang data leaks at iba pang ransomware attacks. 

Humihingi ang ahensya ng P300 million para sa susunod na taon. Kris Jose

Previous articlePura Luka Vega nakapagpiyansa na
Next articleChef timbog sa P1.5M shabu sa Makati