Home NATIONWIDE DICT nagbabala sa publiko kasunod ng WHO cyberattack

DICT nagbabala sa publiko kasunod ng WHO cyberattack

MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga Filipino na bumalik sa “basics” at iwasan ang magbukas ng kahina-hinalang websites.

“Let’s go back to basics and make it a habit to be vigilant. Let’s not click on those things (suspicious websites),”  ayon kay DICT spokesperson Assistant Secretary Aboy Paraiso sa isang panayam.

Sinasabing naberipika ng DICT na napakialaman at nasira ang database ng World Health Organization (WHO) at nakita ng mga eskperto na ang impormasyon ukol sa COVID-19 vaccinations sa Pilipinas at India ay naibahagi sa dark web.

“We gained insight because our intelligence assets from the DICT to our in-charge of our National Computer Emergency Response Team detected on various platforms and on the dark web that there were data dumps regarding Covid-19 data from two countries: the Philippines and India,” ayon pa kay Paraiso.

“What reached their data bank were Covid-19-related data. However, this can now be used for phishing websites to gather information,” pahayag nito.

Samantala, sinabi ni Paraiso na ang insidente ay komplikado dahil hindi na ito sakop ng hurisdiksyon ng DICT.

Kinumpirma rin nito na tinitingnan na ng WHO ang nabanggit na insidente.

Sa kabilang dako, binigyang-diin ni Paraiso ang kahalagahan ng  pagsasagawa ng precautionary measures upang maiwasan na maging biktima ng data breach-related online scams.

“To prevent it from being misused, let’s always make it a habit to change our passwords and adopt very strong passwords,” ayon kay Paraiso.

“Let’s avoid using our personal information as passwords,” patuloy niya.

Ang paggamit ani Paraiso ng multi-factor authentication, gaya ng one-time passwords (OTP) at biometrics, ay magpapalakas sa seguridad ng iba’t ibang online accounts.

“We now have multi-factor authentication. This means that our accounts don’t just rely on a password for access,” ang pahayag ni Paraiso. Kris Jose

Previous articleCHR sa PH gov’t kasunod ng paglaya ni De Lima: Kaso ng PDLs busisiin
Next articlePulis patay sa buy-bust ops