DICT, sinigurong 24/7 ang operasyon sa gitna ng ECQ

DICT, sinigurong 24/7 ang operasyon sa gitna ng ECQ

March 25, 2020 @ 7:40 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines — Siniguro ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na 24/7 ang operasyon ng kanilang disaster risk reduction management division upang magbigay ng emergency telecommunication services sa ahensya kung kinakailangan.

 

Ito ay matapos bigyan ng connectivity at cybersecurity services ang mahigit sa 700 na pampublikong mga ospital, rural health units, at opisina ng pamahalaan habang umiiral ang enhanced community quarantine upang labanan ang COVID-19.

 

Mananatili rin ang operasyon ng iba pang serbisyo nito kagaya ng Cybersecurity Bureau, Disaster Risk Reduction Management Division, at offices-in-charge ng infostructure programs at services.

 

Subalit pansamantalang sarado ang Technology Empowerment for Education, Employment, Entrepreneurs, at Economic Development centers habang suspendido naman ang face-to-face training.

 

Inabisuhan naman ng DICT ang mga empleyado nito na sumunod sa countermeasures na inilabas ng mga awtoridad laban sa COVID-19. Remate News Team/MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...