Home ENTERTAINMENT Diego, aminadong utak ‘gold fish’!

Diego, aminadong utak ‘gold fish’!

Manila, Philippines- What is it like to have a brain tulad sa isang gold fish?

Ano’t anuman, aminado si Diego Loyzaga na ang kanyang utak pagdating sa pagsasaulo ng kanyang mga linya sa script ay mala- nasabing aquarium fish.

Exact opposite daw sila ng kanyang amang si Cesar Montano.

Pagbibida ng binatang ama, his dad Cesar arrives at the set nang memoryado na raw ang kanyang mga lines.

In fact, ilang araw pa bago ang shoot o taping ay saulado na ni Cesar ang kanyang dialogue.

“Very much unlike me kasi ako, l have a memory tulad ng isang gold fish. Pagdating ko sa set, ayun na, jumbled up na ang utak ko,” ani Diego.

For many years din daw ay sinikap niyang maging katulad ng ama when it comes to acting.

“But I realized later on that it was hard to fill in his shoes, kaya kumalas na ako. Ngayon, ang gusto ko, eh, maging Diego Loyzaga!” aniya.

Samantala, mag-iisang taon na ang anak niyang si Hailey sa May.

Lukong-luko raw si Cesar sa apo nito.

Diego is also proud to announce na sa wakas, makaraan ng 12 taon sa showbiz ay nagpapatayo na siya ng bahay para sa kanyang mag-ina.

Isa sa mga tinutukan niya ay ang magiging silid ni Hailey.

Pink daw ang color motif nito.

Even siring a child, kapirasong papel pa rin ang tingin ni Diego sa marriage certificate.

Ito ang dahilan that getting married is not a guarantee na magtatagal ang pagsasama ng dalawang taong ikinakasal.

Add to that ay ang mismong sinapit ng kanyang mga magulang.

Well, to each his own lang naman ‘yan! Ronnie Carrasco III

Previous articleNHA namahagi ng P6.69M tulong sa fire victims sa Maynila, Mandaluyong
Next article‘Rich kids’ hindi mahihirap, nakikinabang sa gov’t subsidy sa hayskul – Gatchalian