Home ENTERTAINMENT Diego, ayaw magpatali!

Diego, ayaw magpatali!

Manila, Philippines – Sa YouTube channel ni Toni Gonzaga, nagsalita na si Diego Loyzaga tungkol sa mga isyung kinasasangkutan niya noon.

Aniya, totoo raw na nagkaroon siya ng anak sa kanyang partner.

Dagdag pa niya, ito raw ang bundle of joy niya ngayon.

Dahil dito, nagkaroon din daw ng panibagong direksyon ang kanyang buhay buhat nang isilang ang kanyang baby girl.

Aminado naman siyang naimbudo siya noon sa isang tabloid reporter na hindi niya pinangalanan.

Sinira raw kasi nito ang moment niya bilang first-time dad.

Inunahan daw kasi siya nito sa pagbabalita tungkol sa pagkakaroon niya ng anak.

Noong time raw na iyon, handa na raw sana siyang ianunsyo ang pagiging father niya.

Sa naturang vlog, sinabi rin niya na matagal na niyang gustong magkaroon ng baby at alam daw ito ng kanyang mother na si Teresa Loyzaga.

Nilinaw din niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya naniniwala sa marriage kaya di niya bet magpatali sa kaninumang karelasyon.

Ang katuwiran kasi niya, medyo na-trauma siya sa kanyang pinagdaanan lalo pa’t galing din siya sa isang broken family.

Hirit pa niya, marami rin daw sa mga kakilala at mga kaibigan niya ang hindi nag-work ang marriage.

Kung hindi nga raw naman attached ang isang guy, hindi raw naman magkakaroon ng kumplikasyon kung sakaling ipaa-annul nila ang kanilang marriage.

Inamin din niya na dahil naghahanap siya ng father figure noon ay nagrebelde siya.

Dumaan daw siya noon sa matinding depresyon kaya nagkaroon siya ng isyu sa substance abuse at alcoholism.

Na-rehab daw siya noon sa isang facility para ma-address ang kanyang suicidal tendencies.

Ngayong tatay na siya, gusto raw niyang itaguyod at ibigay ang lahat para sa kanyang baby.

Gusto raw niyang iparanas dito ang mga bagay na naipagkait sa kanya noong formative years niya.

Masaya rin siya dahil maayos na ang relasyon nila ng amang si Cesar Montano.

Wala na raw siyang bitterness sa actor dahil natuto na rin silang magpatawad sa isa’t-isa. Archir Liao

Previous article3 estudyante nalunod sa ilog sa Davao
Next articleState of calamity idineklara sa Tagum City sa dengue outbreak