Home ENTERTAINMENT Diego, flinex ang baby sa socmed!

Diego, flinex ang baby sa socmed!

Western Australia – “Somebody liked the beach!”

Ganito kaikli ang caption sa larawang ipinost ni Diego Loyzaga nitong August 24, Huwebes sa social media.

Against a backdrop of a beach, makikitang karga-karga niya ang kanyang sanggol na anak.

Kuha ‘yon sa isang tanyag na tourist destination sa Western Australia.

Matatandaan na nitong June ay kumalat din ang larawan nila ng kanyang baby referring to it as “best birthday gift ever.”

Ikinatuwa naman ng ina ni Diego na si Teresa ang pagkakaroon ng apo who she wishes will address her as “Glam-ma” na katunog ng grandma.

Avon naman sa ama ni Diego na si Cesar Montano, titiyakin niyang hahanapan niya ito ng oras para maalagaan ang kanyang apo.

Samantala, wala pa ring tigil ang mga netizen sa kauusisa tungkol sa pagkakakilanlan ng ina ni Hailey, the child’s name.

Hanggang ngayon kasi’y hindi nagsasalita si Diego tungkol doon.

Pero isang netizen na ang sumagot para kay Diego.

Anito, isang yoga instructor cum pre-school teacher ang ina ng sanggol.

Ito raw ang kasama ni Diego na lumipad patungong Sydney para doon ito manganak.

For a while, Diego was in town pero ayon kay Cesar ay babalik din agad ang anak para sunduin ang kanyang mag-ina. Ronnie Carrasco III

Previous articleBanyaga kalaboso sa pananakit, ‘di pagbabayad sa bar sa Makati
Next articleKelot utas kay ‘konsi’