Home ENTERTAINMENT Diego, lagot sa banta ni Cesar sa apo!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Diego, lagot sa banta ni Cesar sa apo!July 27, 2023 13:53 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – May point of clarification lang si Cesar Montano nang huling humarap sa entertainment media.Klinaro ng aktor na ang anak ni Diego Loyzaga named Hailey ay pang-apat na niyang apo.May tatlo siyang grandkids sa una niyang karelasyon.Does it mean okey din kay Cesar na magkaroon ng apo sa mga anak niya kay Sunshine Cruz?Tatlong magagandang babae ang supling nila ni Sunshine.“Of course not!” mariing sagot ng aktor.Unang-una raw ay napakabata pa raw ng mga ito.Secondly, all three are still in college. Tall order para sa kanya na tapusin muna ng mga ito ang kanilang pag-aaral.Samantala, kumpiyansa si Cesar na ang pagiging tatay na rin ni Diego will make him a better person.The senior actor is looking forward to seeing his granddaughter in person.“Nasa abroad pa kasi ‘yung apo ko, iniwan muna doon ni Diego sandali but he’ll go back there and will come back with the baby,” aniya.How does Cesar like to be called by her new apo?“Puwedeng Kuya Buboy (his pet name) na lang. It doesn’t matter kung ano. All I know is that Diego will make a responsible father,” paniniyak ni Cesar.Any advice for Diego?“Ang masasabi ko lang sa iyo, Diego…ako ang mag-i-spoil sa anak mo, lagot ka! Hehehe!” biro ng lolo ni Hailey.Matatandaang nitong June 6 nang i-flex ni Diego sa Instagram ang litrato niya na karga-karga ang isang baby believed to be his child.To this day, nananatiling misteryo ang pagkakakilanlan ng ina ng bata. Ronnie Carrasco III