Home NATIONWIDE ‘DigiEd 2028’ iprinisenta ng DepEd

‘DigiEd 2028’ iprinisenta ng DepEd

MANILA, Philippines- Inanunsyo ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte nitong Huwebes ang flagship program ng Department of Education (DepEd) upang i-digitize ang sistema ng sektor sa mga opisina at paaralan nito sa buong bansa.

“Allow me to present to you the DepEd Digital Education 2028 or DepEd DigiEd 2028,” anang bise presidente sa Basic Education Report 2024 ng departamento.

“This will be our flagship program to banner our commitment to adaptability and technological advancement,” dagdag niya. “Through the DepEd DigiEd 2028, we will pursue full digitization and interconnectivity of all DepEd offices and schools nationwide.”

Sa pag-digitize sa sistema, inihayag ni Duterte na nilalayon din ng programa na makapagbigay ng school-wide wifi at ipatupad ang paggamit ng e-textbooks sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa.

Ayon kay Duterte, 69% ng mga paaralan ang mayroong access sa internet connectivity. Subalit, karaniwan umanong limitado ang koneksyon sa faculty rooms.

“We have initiated talks with Converge, PLDT, Globe, Starlink, and other internet providers with the aim of providing adequate internet access to both teachers and learners in our schools,” ani Duterte.

Para sa e-textbooks, inihayag ni Duterte na sinimulan ng DepEd na makipag-usap sa publishers para sa pasilitasyon ng probisyong ito.

Sa pagbili ng textbooks para sa MATATAG K10 Curriculum, gagawing rekisitos ng pamahalaan sa winning bidder na makapagbigay din ng electronic copies.

Ani Duterte, palalakasin ng DepEd ang “responsible and ethical use” ng umuusbong na teknolohiya, kabilang ang artificial intelligence (AI) sa pagtuturo at sa pagkatuto.

Bubuksan umano ng DepEd ang MATATAG Portal, isang “one-stop” digital platform para sa mga guro, mag-aaral, at mga magulang.

“The Portal will house all digital learning resources and applications to make both learning and teaching materials easily accessible even in times of calamities,” pahayag ni Duterte.

Target din ng portal na ikonekta ang iba’t ibang DepEd systems upang makapagbigay ng real-time education statistics at impormasyon sa stakeholders.

Sa huling quarter ng 2023, sinimulan ng DepEd ang pilot implementation ng MATATAG K-10 curriculum sa 35 paaralan sa buong bansa.

Previous articlePBBM nagpasalamat kay VP Sara sa pamumuno sa DepEd; BER 2024 pinuri
Next articleEmergency loans alok ng GSIS sa flood-hit members sa Davao Region