Home NATIONWIDE Digitization ng rekord ng mga PDL matatapos na – Catapang

Digitization ng rekord ng mga PDL matatapos na – Catapang

Larawan kuha ni Cesar Morales

MANILA, Philippines- Malapit nang makumpleto ang digitization ng mga rekord ng mahigit  53,000 persons deprived of liberty (PDLs) sa mga pasilidad ng Bureau of Corrections.

Sa ginanap na culminating activity sa pagpapalaya ng mga PDL sa New Bilibid Prison (NBP), sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na nasa 85 porsyento nang tapos ang digitization ng mga record o carpeta ng mga PDL.

Dahil dito, sa halip na manual na tinitingnan ang rekord, mapadadali na para sa BuCor at sa ibang concerned agencies na alamin kung sino-sino ang mga kwalipikado nang makalaya.

Sa idinaos na culminating activity nitong Huwebes(Feb. 29), nasa 73 inmates sa iba’t ibang prison facilities ng BuCor ang pinalaya. 

Pinalaya mula sa NBP ang 46 na PDL, tatlo mula sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City, tatlong PDL mula sa San Ramon Prison and Penal Farm (SPPF) sa Zamboanga City; 12 sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Palawan at siyam mula sa Davao Prison and Penal Farm (DPPF). Ayon sa Bucor, nasa kabuuang 706 PDLs ang napalaya ngayong buwan ng Pebrero. 

Kumpiyansa si Catapang na bago matapos ang Marso o Abril ay nakumpleto na ang digitization ng carpeta. Teresa Tavares

Previous articleGarcia: Sabay na 2025 elections, Cha-cha plebiscite praktikal
Next articlePagtataas sa cash grant para sa 4Ps beneficiaries binubusisi ng DSWD