Home NATIONWIDE Digong nangunguna sa senatorial election survey

Digong nangunguna sa senatorial election survey

President Rodrigo Roa Duterte talks to the people after holding a meeting with key government officials at the Malacañan Palace on February 21, 2022. KING RODRIGUEZ/ PRESIDENTIAL PHOTO

MANILA, Philippines – Bagamat bahagyang bumaba ang kanyang popularity rating, nanatili pa rin si dating Pangulong Rodrigo Duterte na number 1 choice para sa 2025 senatorial election, ayon sa survey na isinagawa ng Publicus Asia.

“Despite a slight drop in popularity from 55% in the previous quarter to 51%, Duterte continues to be the top-of-mind choice among voters”ayon sa Pahayag 2023 Second Quarter survey na isinagawa ng Publicus Asia sa pagitan ng Hunyo 7 hanggang 12 sa may 1,500 respondents.

Kapwa nakakuha ng 44% sina Doc Willie Ong at Erwin Tulfo na ayon sa survey ay popular sa hanay ng mga botante, sumunud naman sa 39% sina reelectionist Sen Christopher ‘Bong’ Go at Sen Imee Marcos.

Pasok din sa 36% sina dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at dating Senate President Vicente “Tito Sotto” C. Sotto.

Nakakuha naman ng 35% sina Senator Ronald “Bato” Dela Rosa at Senator Panfilo “Ping” Lacson habang 31% si Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro habang 25% ang nakuha ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon sa survey pasok din sa Magic 12 senatorial post sina dating Vice President Maria Leonor ‘Leni’ Robredo at dating Senator Francis “Kiko” Pangilinan na nakakuha ng 28% at 25%.

“The survey results provide valuable insights into the current political landscape and reflect the preferences of the electorate at this stage” ayon sa survey.

Ang Pahayag Second Quarter Survey (PQ2) ay isang independent at non- commissioned survey at pawang mga registered Filipino voters ang kasama sa 1,500 respondents na kinuha sa isang US-based panel marketplace na may multinational presence respondents sa National Capital Region (NCR), North Central Luzon, South Luzon, Visayas at Mindanao. RNT

Previous articleEx-DILG usec. Dino may stage 4 cancer
Next article“Secret flights” ng US military planes sa Pilipinas pinaiimbestigahan sa Kamara

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here