Home HOME BANNER STORY Digong sa militar, parak: Konstitusyon, protektahan

Digong sa militar, parak: Konstitusyon, protektahan

MANILA, Philippines – Nakiusap si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa militar at kapulisan na protektahan ang Konstitusyon ng bansa laban sa mga banta.

“Kung nakikinig kayo, gusto niyo iwasan ang dugo, kayo lang makakapigil nito. Tigilin niyong kalokohan na ‘yan or yung mga rally na ganito will multiply all over the Pilipinas,” babala ng Pangulo sa isang Forum sa Davao kasabay ng ‘Bagong Pilipinas’ Rally ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Alam ninyo kung hindi na talaga ito mapigilan, andiyan ang military at police, makinig kayo… pag-aralan ninyo kung anong pinapakain nila sa taumbayan, at kapag nakita ninyo kung ano ang mali, you correct it. Nasa inyong kamay na ‘yan,” dagdag pa ng dating Pangulo.

 Pinagbalingan din ni Duterte ang kanyang tirada sa Kongreso.

“P-ng ina ninyo, wala akong tiwala sa inyo,” sabi niya. “Wala kayong prinsipyo, mukhang pera kayong lahat. ‘Yan ang totoo. Kaya ang gusto ko pag nagka-letse-letse na, pumasok ang military…palitan ninyo lahat, arestuhin ninyo kasi nagsasayang ng pera at yung ginagastos nila is a fraud. Swindling ang ginawa nila. Dapat mong i-account ang nasayang na pera o ang perang binili mo ng pirma ng Filipino…panunuhol,” aniya.

Sinabi niya na ang Konstitusyon ay dapat na “isang permanenteng bagay.”

“Ang batas na binigay ng Constitution sa Congress, sa lawmakers, they can make notes everyday, modify, change it if you want. Every week. OK lang ‘yan. Huwag niyo pakialaman ang Constitution kasi yun ang bahay opisyal ng Pilipino…anak ka ng…bakit pumasok sa utak ninyo ‘yang people’s initiative? Anong nakain ninyo? There’s nothing wrong with the Constitution right now.”

“Ano ba, what’s wrong with the Constitution, tell me, kung hindi ‘yung inyong ambisyon? The real purpose nitong constitutional changes sa people’s initiative is really to perpetuate those who are in power,” ayon pa kay Digong.

Si Bise Presidente Sara Duterte, na dumalo sa rally ng Bagong Pilipinas ngunit umalis bago dumating si Marcos, ay lumipad patungong Davao City upang magsalita sa kaganapan, kung saan nakita rin siya sa kumpanya ni Senator Imee Marcos, ang kapatid ng Pangulo. RNT

Previous articleDigong: Si Bongbong, bangag iyan
Next articlePBBM wala sa drug watchlist – PDEA