Home HOME BANNER STORY Digong: Si Bongbong, bangag iyan

Digong: Si Bongbong, bangag iyan

MANILA, Philippines – Tinawag na ‘bangag’ at binatikos ni dating pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa umano’y plano nitong mapanatili ang kanilang kapangyarihan kasabay ng isyu ng People’s Initiative para amyendahan ang Konstitusyon.

Si Digong ay nagsalita sa isang prayer rally sa Davao City, na ginanap sa parehong araw na ginanap ni Marcos ang kanyang Bagong Pilipinas kickoff rally sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Inakusahan din niya si Marcos na isang adik sa droga at sinabing ang nangyari sa kanyang ama na si Ferdinand Sr—na napatalsik sa kapangyarihan noong 1986 ng People Power Revolution—maaaring mangyari rin sa kanya.

“Nung ako mayor, pinakitaan ako ng ebidensya ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency). Doon sa listahan, nandoon yung pangalan mo.”

“Ayaw kong sabihin yan kasi magkaibigan tayo. Kung di man magkaibigan, magkakilala. Eh ikaw eh, pumapasok kayo nang alanganin. Mr. President, baka susunod ka sa dinaanan ng tatay mo. Diyan ako takot. Ayaw ko mangyari sa iyo ‘yan. Ako lang nagmamakaawa kasi it will divide the nation and madugo itong panahon na ito,” aniya pa.

Binanggit din ni Digong ang kanyang kaso sa International Criminal Court sa kanyang tirada laban kay Marcos.

“Ayun ang bakit ako nagkaroon ng kaso ng ICC. Sabi nila pinapapatay ko daw ‘yung mga drug pusher at drug addict. Mabuti na lang wala na ako sa pwesto baka kasali ka pa, Mr. President,” giit pa niya.

“Pinilit ninyo kami, kayo yung nag-ano…kayo yung…sa Bisaya, kinikitoy mo ang Pilipino. You are testing the waters…You are pushing to the limits ang pasensya ng Pilipino. Huwag na huwag mong gawin ‘yun. Huwag mong gawin ‘yun. mong gawin ‘yan, magkagulo tayo. Pag di namin napilitan kayo sa mga rallies, sa mga boses ang sentimiyento namin…sorry…ang sinasabi ko sa military… naghe-hemmorhage ang bahay. Gastos dito, gastos doon. Tapos kung mag-ispeech, ang pinagusapan at p-g inang pobreng Pilipino. Ang militar, maawa kayo sa bayan. Pag di namin kaya, gawin na ninyo. Gawin na ninyo, kawawa ang Pilipino.”

Sinabi rin ni Duterte na ang motibo sa likod ng pagtulak ng people’s initiative ay para palakasin ang hawak ng mga Marcos sa kapangyarihan.

“Huwag kayo magpaloko. Alam mo, parliament, ang bisyo niyan, karamihan galing kay [First Lady] Liza Marcos, pati kay [Speaker Martin] Romualdez. Si Bongbong, bangag iyan. That’s why sinasabi ko na sa inyo ngayon, si Bongbong Marcos bangag noon, ngayong presidente na, bangag ang ating presidente. Kayong mga militar, alam ninyo ‘yan. Lalo na ‘yung nasa Malacañang. Alam ninyo. The Armed Forces of the Philippines, alam ninyo. May drug addict tayo na presidente, p- ng inang iyan,” ayon pa kay Digong. RNT

Previous articlePH supply mission sa Ayungin ‘pinayagan’ ng Tsina
Next articleDigong sa militar, parak: Konstitusyon, protektahan