Home HOME BANNER STORY Digong: Wala akong sinabing adik si Bongbong, patayin ako nya’n

Digong: Wala akong sinabing adik si Bongbong, patayin ako nya’n

MANILA, Philippines – Matapos hamunin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpa-drug test, itinatanggi ngayon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na inakusahan niya ito na gumagamit ng ilegal na droga.

“Wala ako sinabi na ganon… Even if you kill me a thousand times, wala akong sinabi na ganon. Make it ‘taking a drug.’ Pero kung sabihin mong addict, wala akong sinabi na ganon. Patayin ako ni Marcos niyan. Maawa ka naman sa akin, matanda na ako,” ani Duterte sa isang press conference nitong Martes ng gabi.

“Kung masasabi ko kay Marcos, masasabi ko para sa lahat. Antibiotic, aspirin—they’re all drugs… Pero wala ako sinabi… Papatayin ako ni Marcos niyan. Takot pa naman ako mamatay, matanda na ako,” dagdag pa ng dating Pangulo.

Matatandaan na noong Enero nang tawagin ni Duterte si Marcos na “bangag” (high sa ilegal na droga) sa isang prayer rally sa Davao City.

Sinabi pa ni Duterte na si Marcos ay nasa watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) — isang claim na tinanggihan na ng PDEA.

“Si Bongbong, bangag iyan. That’s why sinasabi ko na sa inyo ngayon, si Bongbong Marcos bangag noon, ngayong presidente na, bangag ang ating. Kayong mga military, alam ninyo ‘yan. Lalo na ‘yung nasa Malacañang. Alam ninyo. The Armed Forces of the Philippines, alam ninyo. May drug addict tayo na presidente,” naunang sambit ng dating pangulo.

Si Marcos, bilang tugon, ay tinatawanan lang ang akusasyon at sinabing ito ay maaaring epekto ng fentanyl, isang droga na inamin ni Duterte na kinuha sa kanyang termino bilang pangulo.

“I think it’s the fentanyl… It is highly addictive and it has very serious side effects. At matagal nang umiinom ng gamot si PRRD [President Rodrigo D. Duterte]. Kailan niya huling sinabi sa amin na umiinom siya ng fentanyl? May ganyan. Pagkatapos ng lima, anim na taon, kailangang maapektuhan siya,” ani Marcos sa mga reporter. RNT

Previous articlePBBM: Pabahay ng Pag-IBIG, gawing mas accessible sa Pinoy
Next articlePBBM kay Quiboloy: Humarap sa mga pagdinig, magpaliwanag ng panig