Home NATIONWIDE DILG magbibigay ng tig-P13M sa 75 LGUs para sa pagsasaayos ng water...

DILG magbibigay ng tig-P13M sa 75 LGUs para sa pagsasaayos ng water systems

MANILA, Philippines- May kabuuang 75 local government units (LGUs) sa buong bansa ang makakukuha ng P13.33 million kada isa bilang pondo para sa improvement o pagpapahusay ng kanilang water systems.

Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na ang LGUs ay may responsibilidad na tiyaking ang pondo ay gagamitin para sa nilalayon nito.

“Pag binigay namin sa inyo ang benepisyo, may kasama itong mga responsibilidad. Even if you mean well, gamitin natin ng tama ang pribilehiyo na naipagkaloob sa inyo,” ayon sa Kalihim.

Sakop ng programa ang mga proyekto na may kinalaman sa konstruksyon, expansion, at rehabilitasyon ng Level III water supply systems o umiiral na sanitary toilets at hygiene facilities para sa pampublikong lugar.

Manggagaling ang halaga sa Support and Assistance Fund to Participatory Budgeting (SAFPB) Program sa ilalim ng 2024 national budget.

Ang SAFPB ay isang groundbreaking initiative na naglalayong palakasin ang partnership at kolaborasyon sa pagitan ng LGUs at civil society organizations (CSOs).

Idinagdag pa ni Abalos na sa kabila ng kamakailan lamang na improvements sa water at sanitation, maraming lokalidad ang nangangailangan ng mahalagang tulong mula sa pamahalaan, lalo na iyong walang “identified water source” at iyong “geographically isolated.”

Idinetalye pa ni Abalos na sumunod ang programa sa naging panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itaas ang local access sa maaasahan at malinis na pagmumulan ng tubig.

Ang programa ay alinsunod din sa Philippines’ Open Government Partnership (PH-OGP), na pinagtibay ng Pangulo sa pamamagitan ng Executive Order 31.

“We shall comply with this directive of the President. Especially there is El Niño, we must not just govern but also foster a culture of genuine engagement so that workable solutions could flow from there,” ayon kay Abalos. Kris Jose

Previous articleUnang Indo-Pacific agri office pinasinayaan sa Manila
Next articleParusa vs financial scammers hihigpitan ng Senado – Poe