Home OPINION DILG NAIS NG “TOTAL BAN” VERSUS PAPUTOK SA BUONG BANSA

DILG NAIS NG “TOTAL BAN” VERSUS PAPUTOK SA BUONG BANSA

NAIS ni DILG o Department of the Interior and Local Government secretary Benhur Abalos na ipagbawal na ang mga pa­putok sa mga komunidad sa buong bansa at magkaroon na lang fireworks display ang mga lokal na pamahalaan.
Ayon sa kalihim, ilang lokal na opisyal ang nagpatupad ng total ban sa mga paputok at naglagay na lang ng designated area para sa fireworks display.
“Marami naman tayong mga lungsod at mga munisipyo na mayroong ganito. Sana lahatin na natin. Kaya ako ay nananawagan sana naman magkaroon na tayo ng ganitong ordinansa,” ani Abalos.
Sinabi ng DOH o ng Department of Health na nakapagtala ng 291 fireworks-related injuries mula December 21, 2022 hanggang January 5, 2023.
Mas mataas ito ng 55% kumpara sa 188 cases na naitala sa kaparehong panahon para sa 2021-2022 New Year celebration.
Nito lamang nagdaang Linggo, dalawa ang nasawi nang masunog ang isang truck na may kargang mga paputok habang nakaparada sa BFCT East Metro Transport Terminal sa Calum­pang, Marikina.
Samantala, lumobo na sa 52 katao ang fireworks-related injuries sa Pilipinas bago ang Bagong Taon 2024 — dahilan para maitala ang unang limang kaso ng “amputations” sanhi ng pa­putok ngayong taon.
Pinasalamatan naman ng DOH ang PNP o Philippine National Police sa patuloy nitong pagsugpo sa mga ipinagbabawal na paputok, maliban pa sa walang habas na paggamit ng baril bilang pampaingay ngayong holiday season.
BILANG NG MGA NAMAMATAY SA ROAD    ACCIDENTS SA PILIPINAS, TUMAAS NG 39%
BABALA sa mga motorista, tumaas ng 39% ang bilang ng mga nasasawi dahil sa aksidente sa mga lansangan mula                     taong 2011 hanggang 2021 ayon sa ulat ng DOH o Department of Health kasabay sa paglulunsad ng Global Status Report on Road Safety 2023.
Sa naturang ulat mula sa PSA o Philippine Statistics Autho­rity, mula 7,398 na namatay noong 2011, umakyat ito sa 11,096.
Ayon pa sa ulat, 84% ng mga namatay ay mga lalaki, habang ang aksidente sa kalsada rin ang isa sa pangunahing dahilan ng pagkasawi ng mga batang Pilipino.
Sinabi ni health secretary Ted Herbosa na bahagi ang “road safety” sa Action Agenda ng kagawaran sa pag-iwas sa sakit.
Ayon naman kay DOTr o Department of Transportation secretary Jaime Bautista, binuo ang Philippine Road Safety Action Plan 2023-2028 para maisulong ang “road safety”.
Magiging mabisang gabay umano nila ang WHO o World Health Organization global plan on road safety para sa pagpapatupad nito upang maiwasan ang pagkamatay at pagka­pinsala ng mga tao sa mga aksidente.
Sa datos ng WHO, nasa 1.19 milyon ang namamatay kada taon sa buong mundo, o katumbas ng dalawang nasasawi kada isang minuto dahil sa aksidente sa lansangan.

Previous articleLotto Draw Result as of | December 29, 2023
Next articlePANGARAP NA SA IBANG LUGAR POSIBLENG MATUPAD