Home OPINION DILG : TATAPUSIN, NTF-ELCAC-BDP PROJECTS

DILG : TATAPUSIN, NTF-ELCAC-BDP PROJECTS

TULOY-TULOY na paglalatag ng mga Barangay
Development Program ng National Task Force to
End Local Communist Armed Conflict, ayon sa
Department of Interior and Local Government, ay
kanilang ipinangako sa mga mamamayan.

Gayunman, nabatid na bagaman iilan na lamang
ang mga miyembro ng New People's Army ay
patuloy rin ang pagtatangka ng mga ito na mabalam
ang mga proyekto ng pamahalaan na makaaapekto
sa kanila ng malaki.

Ang pangako ay binitiwan ni Assistant Director Rene
Valera ng DILG’s Office of Project Development
Services at hinikayat pa ang lahat ng kasali sa
pagpapatupad ng BDP gaya ng mga local
government units o LGUs na makiisa sa  “whole of the nation approach para wakasan na ang paghahari-
harian ng  mga NPA sa malalayong kanayunan.

Bukod kasi sa farm-to-market roads, na kahilingan
ng mga residente ng mga barangay na dating
pinipeste ng mga NPA at ngayon ay binababaan na
ng BDP ng NTF-ELCAC, iba pang ‘basic social
services’ ang iniaalay ng task force para sa mga
residente gaya ng ‘water and sanitation’, ‘health
stations’, school buildings, rural electrification,
infrastructures at livelihood.

Ipinangako rin ni Valera, na ang DILG ay patuloy pa
rin magmamatyag lalo na sa mga municipal local
government kung talagang ginagampanan nito ang
kanilang bahagi sa paglalatag ng BDP sa mga
barangay sa kanilang lugar.

Patuloy din aniya, ang kanilang pakikipag-ugnayan
sa Kongreso para maipagpatuloy din ang 'local
peace engagements' sa mga lugar pang alanganing
makiisa sa pamahalaan at nananatiling kapanalig ng
mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Paliit nang paliit na ang bilang ng mga komunistang-
terorista dahil nagagawa ng NTF-ELCAC ang
mandato nito na bigyan-daan ang kapayapaan at katahimikan sa mga barangay na nais pang hawakan at lokohin ng mga CPP-NPA-NDF.

At kahit na rin natapyasan ang ating mga
mambabatas ng halaga ng BDP na nagsimula sa
P20 milyong piso kada barangay noong 2021 at
naging P6 milyon na lamang, hindi nito natuldukan
ang pagsusimikap ng NTF-ELCAC na burahin na
ang CPP-NPA-NDF sa kasaysayan ng bansa kahit
pa nakapanggulo na ang mga ito nang higit 50 taon,
at nakapatay ng maraming Filipino.

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!

Previous articleLocal testing centers sa 2023 Bar exams, alamin!
Next articleHUSAY NG BAGONG NCRPO CHIEF MASUSUBUKAN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here