Home NATIONWIDE Dinagyang Festival maging paalala sa pagprotekta ng pagkakakilanlan ng mga Filipino –...

Dinagyang Festival maging paalala sa pagprotekta ng pagkakakilanlan ng mga Filipino – PBBM

MANILA, Philippines – NAGPAABOT nang pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , ngayong araw ng Linggo, Enero 28 sa mga mamamayan ng lloilo at ginamit ang oportunidad na paalalahanan ang mga deboto ng Señor Sto. Niño na nagdiriwang ng Dinagyang Festival na pangunahan na pangalagaan, protektahan at i-promote ang pagkakilanlan ng mga filipino.

“Let the Dinagyang Festival serve as a reminder of our collective responsibility to preserve, protect, and promote our identity in these changing times,” ang mensahe ni Pangulong Marcos.

“Through such collective effort, fellow Filipinos can ensure the continuity of the distinct way of life in the country,” dagdag na wika ng Pangulo.

“It is through this collective effort that we ensure the continuity of the distinct way of life that bind us as one nation moving ever forward towards a brighter future,” aniya pa rin.

Para sa Pangulo ang nasabing okasyon ay isang pagdiriwang na “showcases the vibrancy of lloilo and the profound sense of unity and pride that defines its proud and resilient people.”

“The Dinagyang Festival is a reflection of the rich and colorful mosaic that make up all our indigenous groups, including the brave and enduring Ati people whom we also honor today,” ayon sa Chief Executive.

Ang Dinagyang Festival o Ang Pistang Dinagyang ay isang pistang relihiyoso at kultural sa lungsod ng Iloilo sa Pilipinas na ginaganap tuwing ika-4 na linggo ng Enero bilang parangal kay Santo Niño, ang Banal na Bata.

Isa ito sa mga pinakamalaking pista sa Pilipinas, na pinupuntahan ng daan-daang libo o kahit milyong bisita bawat taon.

Ang “Dinagyang” ay isang salitang Ilonggo na ang ibig sabihin ay magdiwang at magkaroon ng kasiyahan. Kris Jose

Previous article3 Palestinians sa Gaza, patay sa airstrike ng Israel
Next articleMas maraming reporma kailangan para sa mas maraming benepisyo ng Cha-cha – NEDA chief