Home OPINION DINASTIYA AT NEPOTISMO

DINASTIYA AT NEPOTISMO

ALAM n’yo ba na hindi na bago ang  dinastiya at nepotismo sa gobyerno?  Bilangkatunayan, marami ang sumubok na putulin ang  nakagawiang kamag-anak incorporated na matagal nang nasimulan bago pa man ang panunungkulan ng namayapang dating Pangulong Corazon Aquino pero sa dinami-dami nang nagtangka, walang nagtagumpay.

Bakit kaya?

Dahil sa pagbabalik ng mga Marcos sa Palasyo nakabuwelta rin ang mga pamilyang kilalang malapit sa kanila bukod pa sa mga kamag-anak na nasa posisyon nina Manang Imee na nasa Senado, Ilocos Norte Rep.Sandro Marcos at syempre ang pinsan ng Pangulong  na si Martin Romualdez na lider ng Kamara de Representantes.

Teka lang, hindi nagpaiwan ang mga Yulo dahil nasungkit ni Ma. Antonia Yulo- Loyzaga ang posisyong kalihim ng Department    Environment and Natural Resources subalit naiiba ito dahil hindi ito naghirap na makakuha ng pwesto ‘di tulad ng iba na gumapang at kinapalan ang mukha para mag-apply na magkaroon ng pwesto sa gobyerno.

Ganoon katibay at kalakas  mga parekoy si Yulo-Loyzaga kaya siguro balewala sa kanya ang mga eskandalong nagaganap sa ilalim ng kanyang pamamahala at maging ang panawagan ng mga mambabatas kaugnay sa kanyang palpak na trabaho sa pamunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Teka nga mga brod, kilalanin muna natin itong si DENR Secretary Yulo-Loyzaga. Sa apelyido pa lang na Yulo ng ale ay batid na agad na bigatin ang kanyang pamilyang pinagmulan. Siyempre, dahil anak siya ng nasirang Luis Yulo na isa umano sa cronies ng mga Marcos.

Alam ba ninyo nmga bro na si Yulo-Loyzaga ay kamag-anak ni First Lady Liza? Ang alam kasi ng marami, si FL ay kamag-anak ni dating presidential candidate Mar Roxas pero marami siyang kamag-anak dahil siya ay mula sa isa sa pinakamayayamang pamilya sa bansa.

At ang mga kamag-anakan ng mga ito ay may mga pag-aaring lupain na kapag pinagsama-sama ay mas malaki pa kaysa sa buong Metro Manila.

Pero hindi iyan ang isyu, ang dapat nating pag-usapan ay ang pananatili ni DENR Secretary Loyzaga  sa posisyon bagaman marami-rami na siyang hindi nagagawang responsibilidad kaya naman nasasabit sa kontrobersya ang DENR.

Unang salto sa trabaho ng kalihim ay ang kontrobersya kaugnay sa palpak na Manila Bay Project na nasundan ng landslide sa Maco, Davao de Oro kung saan 98 katao ang nasawi at ngayon naman ay ang pagkakatayo ng resort sa Chocolate Hills sa Bohol.

Ano pa ang kailangang maganap upang kusang magbitiw na sa kanyang tungkulin ang kalihim?

Previous articleANG MAY KARAPATANG MAGING PNP CHIEF
Next articleGIYERA SA SUNOG