Dineklarang adult toy, P2M ecstasy, marijuana buking ng BOC

Dineklarang adult toy, P2M ecstasy, marijuana buking ng BOC

June 29, 2020 @ 3:17 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Tinatayang nasa halos P2 milyon halaga ng marijuana at ecstasy na nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang itinurn-over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong araw.

Ayon sa BOC, idineklara pang “gift” o regalo ang parcel na pinaglagyan ng mga sangkap sa paggawa ng ecstasy habang idineklarang “adult toys” ang parcel na may laman naman na marijuana. Bukod dito may isang parcel naman na hindi idineklara at nabuking na naglalaman ito ng 500 piraso ng ecstasy.

Napag-alaman sa BOC, nabuking ang mga nasabing iligal na droga makaraang magsagawa ng “random parcel profiling” at K9 sweeping sa Central Mail Exchange Center.

Sa unang parcel na naglalaman ng 547 gramo ng MDMS na idineklarang “gift” ay ipinadala ng isang Bram De Lang ng Netherlands sa pamamagitan ng DHL Parcel sa Germany at naka-consigned kay Mark Lumanlan Chavez ng Pasay City 1300.

Sa pangalawang parcel naman na naglalaman ng 28 gramo ng Kush (marijuana) na may halagang P44,800 at idineklarang “adult toys” ay nagmula naman sa United Kingdom kung saan walang nakasaad na consignee at ipapadala sa Marikina City.

Habang ang ikatlong parcel na naglalaman ng 500 piraso ng ecstasy tablets na may halagang P850,000 na walang declaration ay ipinadala sa isang Kenneth Rosales ng Mabolo, Cebu City.

Ang nasabing mga parcel ay opisyal na itinurn-over sa PDEA matapos itong isyuhan ng warrant seizure and detention order mula sa BOC alinsunod sa RA 10863 o mas kilala na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). Jay Reyes

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...