Home ENTERTAINMENT Dingdong, dumalaw kay Kris!

Dingdong, dumalaw kay Kris!

Los Angeles, USA – Hitting two birds with one stone.

Ito ang ginawa ni Dingdong Dantes nang dumalo sa inaugural edition ng MIFF na idinaos sa Los Angeles, California kamakallan.

Dingdong represented the film Rewind which won for him the Best Actor award.

Ka-tie niya si Piolo Pascual.

While in LA, sinamantala na daw ni Dingdong ang pagdalaw kay Kris Aquino sa tinitirhan nito sa Orange County.

Kasamang bumisita ng GMA Primetime King ang kanyang manager na si Perry Lansigan at ang kanyang handler.

Maganda raw ang pakiramdam ni Kris upon Dingdong’s visit.

Nag-dinner pa raw silang apat with matching picture-taking pa.

FYI, may pitak si Dingdong sa puso ng Queen of All Media.

Kung matatandaan, Dingdong once expressed his wish na sana’y naroon din siya sa lulang Manila-bound na eroplanong sinakyan ng ama ni Kris, si dating Benigno Aquino, hours before he was fatally shot at the then-MIA.

Noon pa man ay “politically woke” na si Dingdong.

Not to be forgotten ay ang pagnininang sa kasal ni Kris kina Dingdong at Marian Rivera.

As we write this, walang post si Kris kaugnay ng pagdalaw ni Dingdong sa kanya. Ronnie Carrasco III

Previous articleRadio DJ patay sa mass shooting sa Super Bowl parade
Next articleComelec naglabas ng form sa pagbawi ng lagda sa peoples’ initiative