MANILA, Philippines- Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, chief economic manager ng Marcos administration, nitong Lunes na ang nirebisang implementing rules and regulations (IRR) ng kontrobersyal na laharlika fund ay “all within the bounds of the law,” sa pangamba ng isang mambabatas sa “mapanganib” na mga probisyon nito.
Sinabi ng opisyal na ang “enhancements,” partikular sa kalayaan ng board of directors, ay magbibigay-daan sa paglikha ng “strong” government structure ng Maharlika Investment Fund (MIF).
“[It] allows it more headroom to form credible oversight and risk management bodies while upholding the highest standards of effective fund management,” ani Diokno.
Inihayag din ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman ang kanyang suporta nitong Linggo, at sinabing tinitiyak ng bagong IRR ang kalayaan ng MIF mula sa political interventions.
“I am glad of this development, as this shall allow the MIC (Maharlika Investment Corporation) Board to have the liberty and flexibility to fulfill its mandate, and explore beneficial investment opportunities while adhering faithfully to the letter of the law and ensuring high-impact investments that are in line with the country’s socioeconomic development policies and programs. This will also improve accountability, openness, and efficacy in carrying out the law’s provisions,” pahayag ni Pangandaman.
Ani Diokno, mapaiigting ng pagsasapinal ng IRR ang interes ng local at foreign investors.
Bibigyang-daan nito na maging operastional ang MIF “by the end of the year,” sabi ni Diokno.
Nitong Linggo, sinabi ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na nag bagong IRR ay mayroong “dangerous provisions” at kulang ng “thorough scrutiny,” sa pagsita niya sa umigting na kapangyarihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pumili ng board of directors.
Binibigyang-awtoridad ng IRR si Marcos na payagan o hindi ang mga pangalang inirekomenda ng Advisory Board bilang director o chief executive officer ng MIC na mangangasiwa sa pondo. RNT/SA