Home NATIONWIDE Diokno, Balisacan sinupalpal ng agri groups sa planong pag-aalis ng taripa sa...

Diokno, Balisacan sinupalpal ng agri groups sa planong pag-aalis ng taripa sa imported na bigas

705
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang ilang agricultural groups sa pag-aalis ng top economic managers ng Marcos administration mula sa gabinete, kasunod ng panukalang pansamantalang pagbawas o pagtapyas ng taripa sa imported na bigas.

Tila “death sentence” umano ito para sa mga magsasakang Filipino.

Sa pahayag na inilabas nitong Biyernes, Setyembre 15, sinupalpal ng mga grupo sina Department of Finance Secretary Benjamin Diokno at National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan sa kanilang “brazenness to hold a sham public consultation,” isang linggo matapos silang maghain ng petisyon na pagaanin ang taripa sa bigas.

Ang mga grupong ito ay ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), Federation of Free Farmers (FFF), Philippine Confederation of Grains Associations (PHILCONGRAINS), Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Pambansang Mannalon, Mag-uuma, Magbabaul, Magsasaka ng Pilipinas (P4MP), at National Movement for Food Sovereignty (NMFS).

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Diokno na plano ng ahensya na magpataw ng zero tariffs sa rice imports dahil sa tumataas na presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Dahil dito, ayon sa mga grupo, ay binigyan lamang ang sektor ng “renewed impetus and motivation to unite in the face of the biggest adversity confronting our local producers in recent years.”

“Today, we stand together to oppose, in the strongest terms, the efforts of Secretaries Diokno and Balisacan to serve the death sentence on rice farmers and other industry stakeholders by cutting or eliminating tariffs – our last refuge,” dagdag pa nila.

Sinabi ng mga grupo na nagsisilbing banta ito sa local producers, at nangangahulugan ito na mas mataas ang kikitain ng importer, “in the guise of taming inflation.”

Posibleng hindi rin makinabang sa pagtapyas sa taripa ang mga mahihirap, dahil halos nasa 85% ng imports ay mga premium-grade rice na tinatarget ang mga may-kaya.

Sinabi rin ng mga grupo ang naunang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa pag-asa sa importasyon.

“What we need right now is to reassert our capacity to produce for our own agriculture and food needs, and to vigorously push for food self-sufficiency as we can never rely on the vagaries of the international market,” dagdag ng grupo.

Pinuna rin ng grupo ang “reckless public statement” ni Diokno at Balisacan na hindi sila kinonsulta sa pagpapatupad ng rice price cap, na tila nagdadala kay Marcos sa masamang pangalan.

Sinupalpal din ng grupo ang panawagan ni Diokno na gawing agriculture chief si Balisacan.

“In view of the foregoing, we demand no less than the removal of Messrs. Diokno and Balisacan from the Cabinet!” saad sa pahayag.

Wala pang tugon sina Diokno at Balisacan kaugnay nito. RNT/JGC

Previous articleTotoy patay, 1 pa sugatan sa pananaksak sa Navotas
Next article3,733 posisyon sa trabaho, alok sa job fair sa Caloocan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here