Home NATIONWIDE Diokno nagbabala vs matagalang rice price controls

Diokno nagbabala vs matagalang rice price controls

626
0

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Department of Finance (DOF) sa negatibong epekto ng paglimita ng presyo ng bigas sa loob ng mahabang panahon.

Sinabi ni Finance Secretary Benjamin E. Diokno na sa loob ng maiksing panahon, makatutulong ang price ceilings sa bigas sa pagkontrol sa pagsirit ng presyo nito subalit pansamantala lamang dapat ang ganitong uri ng interbensyon.

“Price control works only in the near term,” ani Diokno nitong Martes. “If allowed to linger for longer it leads to some unwanted consequences.”

Ani Diokno, ang pangmatagalang price controls ay mauuwi sa pagbaba ng suplay ng staple food, makapagpapahina sa loob ng mga magsasama na magtanim, at magreresulta sa pagtanggi ng importers sa rice imports.

“[This is] because the suggested domestic retail price is lower than the implied landed costs of imports,” paliwanag niya.

Sa business terms, nangangahulugan ang “near-term” sa ilang linggo, posibleng buwan, o mas maiksing panahon.

Nitong Linggo, inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na pansamantala lamang ang pagtatakda ng price ceilings para sa bigas.

“We are confident that the imposition of a price ceiling is only a temporary measure. We expect the rice harvest to commence soon and anticipate that other initiatives will produce the desired result,” anang NEDA. RNT/SA

Previous articleLTO umorder ng 15M metal plate bilang tugon sa backlog sa plaka
Next articlePanukalang P10.7B budget ng OP sa 2024 aprub agad sa Kamara

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here