Home NATIONWIDE Diokno umaasa pa rin sa DOF version ng MUP reform

Diokno umaasa pa rin sa DOF version ng MUP reform

MANILA, Philippines – Bagama’t hindi nanatili na katulad nang unang ipinanukala ang ngayon ay House-approved version ng military and uniformed personnel (MUP) pension reform bill, hindi pa sumusuko ang Department of Finance (DOF) na maisulong ito.

Sa kanyang weekly press chat, sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang agenda sa reporma sa pension system ng DOF ay “far from over.”

“Mahaba pa ‘yan [It’s still a long process],” ayon kay Diokno.

“It will have to go through the House version, then Senate version and if there are disagreeing provisions, there will be a compromise,” dagdag pa ng opisyal.

Kasalukuyang walang kontribusyon sa kanilang pension fund ang military at uniformed personnel, at buong pinopondohan ng pamahalaan sa ilalim ng national budget.

Kabilang sa mga repormang ipinanawagan sa sistema ay ang proposal na magmamandato ng kontribusyon sa mga bagong tauhan, kapwa aktibo at bagong personnel.

Noong Martes, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 8969, na nag-alis ng probisyon na nagmamandato sa aktibong miyembro na mag-ambag sa kanilang pension fund.

Ang inaprubahang bersyon sa ikalawang pagbasa ay ispesipikong nagmamandato lamang sa mga “new entrants” na mag-ambag ng 9% sa kanilang base pay, at ang 12% ay sasaluhin ng pamahalaan simula sa susunod na taon.

Nang tanungin kung satisfied ba siya sa bersyon ng Kamara sa MUP pension reform measure, tugon ni Diokno, “We respect the legislative process.”

Sa kabila nito, sinabi ng Finance chief na, “If we are asked for our positions, we will present our position, the same position.”

“We have some numbers… if only new recruits will be covered, there are implications,” pagpapatuloy ni Diokno.

Nauna nang sinabi ng DOF na aabutin ng anim na dekada para maging sustainable ang MUP pension system kung tanging ang new entrants lamang ang bibigyang mandato na magbigay ng kontribusyon para rito.

Posible namang mapaikli pa ng hanggang 20 taon ang sustainability nito kung lahat ng MUPs, kabilang ang mga nasa aktibong serbisyo, ay mag-aambag sa kanilang retirement fund.

Kasabay nito, sinabi ni House ways and means panel chairperson Joey Salceda na gagastos ang pamahalaan ng P934 bilyon sa pensyon ng aktibong MUPs sa susunod na 35 taon o hanggang maging “self-sustaining” na ang MUP pension fund.

Ani Diokno, ngayong ang pension system ay walang kontribusyon mula sa MUPs, ang liabilities ay tinatayang aabot na sa P9 trilyon laban sa P20 trilyon na gross domestic product (GDP) ng bansa.

Nauna nang iginiit ng Finance chief na ang kasalukuyang MUP pension system ay, “not a real pension system” dahil wala itong contributors. RNT/JGC

Previous articleIPOPHL naglabas ng bagong panuntunan sa site blocking
Next articleTulak, parokyano arestado sa shabu, baril sa Maynila