Home NATIONWIDE Direct flights mula Guangdong pa-Cebu, magpapalakas sa economic cooperation

Direct flights mula Guangdong pa-Cebu, magpapalakas sa economic cooperation

MANILA, Philippines – Nais ng mga opisyal sa Cebu na magkaroon ng direct flight ang Chinese government sa pagitan ng Guangdong at Mactan-Cebu International Airport.

Ang panukala ni Vice Governor Hilario Davide III na magkaroon ng direct flights mula sa mainland coastal province ng China, ay sinabi kay Li Xin, vice chairperson ng Chinese People’s Political Consultative Conference’s (CPPCC) Guangdong Provincial Committee.

“Things would be a lot easier to implement as it could offer easier and faster mobility with a direct flight from both provinces. It could deepen the exchanges and cooperation between both provinces in the fields of economy and trade, tourism, humanities, connectivity, information, and communication,” ani Davide.

Pinangunahan ni Le ang mga kasamahang Chinese delegates sa pagbisita sa Cebu na sinalubong naman ng bise gobernador.

Inaasahang magpapalakas ng ekonomiya ang planong direct flight mula Guangdong, na ikinokonsiderang isa sa economic powerhouses ng China.

Nakatanggap naman ng positibong tugon mula kay Li ang naturang panukala, na isang malaking oportunidad na palakasin ang kooperasyon sa dalawang probinsya, na nagsimula noong 2009 nang pirmahan ni dating Guangdong governor Huang Huahua ang formal friendship agreement sa Cebu sa ilalim ni Governor Gwendolyn Garcia.

Sa pagbisita sa provincial capitol, sinalubong ng Board Members na sina Stanley Caminero at Raymond Calderon ang delegasyon ni Li. RNT/JGC

Previous articleFocus crime ngayong ‘ber months’ bumaba sa 18.21% – PNP
Next articleRed tide warning inilabas sa mga lugar sa VisMin