Home LOCAL BIZ Direk Darryl at Direk Joel, magsasalpukan!

Direk Darryl at Direk Joel, magsasalpukan!

88
0

Manila, Philippines – Aling political film kaya ang mananaig sa takilya sa darating na ika-1 ng Marso?

Ito ang nakakaintrigang tanong na hinahanapan ng inaabangang sagot sa pagsasalpukan ng respective movies nina Joel Lamangan at Darryl Yap.

Sa March 1, magkakaalaman kung ang pelikula ba ni direk Joel na Oras de Peligro o ni direk Darryl na Martyr or Murderer ang mas tatangkilikin ng publiko.

Ang ODP ay sagot ni Joel sa Maid in MalacaƱang ni Darryl. Ang MoM ay sequel ng MIM.

Pinagpaplanuhan na rin ang Part 3 nito.

Hindi lingid sa moviegoing public na may iringan ang beterano at ang bagitong direktor bunsod ng kani-kanilang mga pelikulang tumatalakay sa EDSA REvolution na nagpatalsik sa rehimeng Marcos.

Ilang bilyong piso ang kinita ng MiM na hindi lang ipinalabas dito kundi sa ibang bansa.

Samantala, ibinibida ng anti-Marcos na si Joel na katotohanan lang ang masasaksihan sa kanyang ODP.

Balitang sinadya umano ni Darryl na tapatan ang pelikula ni Joel, ayon na rin sa pakiusap niya sa Viva Films na nagprodyus nito.

Sa mediacon nito, naitanong kay Darryl ang kanyang reaksyon sa salpukan nila ni Joel.

Bagama’t hindi diretsong sinagot ni Darryl ang tanong ay idinaan niya sa sarkastikong tugon ang kanyang komento.

Aniya, “I was advised by my lawyers not to talk about people with less than one million subscribers. Saka na ako magko-comment pag naka-1 million na sila.”

Matatandaang nabanggit ni Darryl sa isang interview noon na mataas ang paggalang niya kay Joel sa kabila ng kanilang iringan.

As to which movie will pack more crowd ay inaabangan ng lahat!

Magkaalaman na! Ronnie Carrasco III

Previous articlePagbili ng Japan-made vehicles para sa military use pinag-aaralan ni PBBM
Next articlePBBM nanawagan sa Tsina: West Philippine Sea bilateral task force palakasin