Home ENTERTAINMENT Direk Darryl, out na sa Vivamax!

Direk Darryl, out na sa Vivamax!

Manila, Philippines – Malamang na maging kontrobersiyal na naman si Direk Darryl Yap dahil sa mga naglalakihang Vivamax movies na isinulat niya noong pandemic.

Ang siste, hindi na niya maaaring gawin ang mga ito.

Balita nga namin ay ipinasa na ito ni direk Darryl sa mga kaibigan sa industriya. Na dahil nga sa pagbabago ng kontrata ni Direk Darryl sa Viva, hindi na ito maaaring gumawa ng pelikula sa Vivamax.

Kabilang sa malalaking proyektong nakalinya na gagawin niya sana ang Chuchu, na sa kauna-unahang pagkakataon ay magpapakita ng nakakaeskandalong papel ng simbahan noong panahon ng Hapon.

Ayon sa aming source, may sex scenes daw dito na madre sa madre at marami pang iba. Kakaiba raw ito dahil period movie at ayon sa nakabasa ng script, napakahirap gawin dahil napakalalim na Tagalog ang ginamit ni Direk Darryl dito.

Pasabog ito at tiyak na tatawag ng kontrobersiya ang naturang pelikula, lalo’t kabilang sa paksa rito ang taga-simbahan.

Anyway, ang Chuchu ay napunta sa kanyang Assistant Director na si Direk Roanna Mercado na isa rin sa pinakamalalapit na kaibigan ni Direk Darryl.

Bagama’t naging Gawad Urian nominee na noon si Direk Roanna para sa kanyang shortfilm, ito ang kanyang debut sa mainstream.

Isang malaking hamon ito dahil lahat ng likha ni Direk Darryl, mapasine o streaming man ay patok at talagang pinag-uusapan.

Inaabangan din kung kanino naman mapupunta ang apat pang naisulat ni Direk Darryl na “Libay” na tungkol sa babaeng may sungay; Super Hero Sex, na isang fantasy; Pornstar3, na finale ng Trilogy; at Ahonera na isang sex comedy naman.

Hindi ba siya naghihinayang sa kita niya sa Vivamax?

Aniya, “Well, I am one of the producers of my films, bonus na lang ang sinehan, nabili naman na ng streaming platforms yung mga gagawin pa lang.

“Sayang nga yung Vivamax, kaso may mga morality clauses na ako eh, hehehe,” nakangiting pakli pa ni Direk Darryl.

Ang huling ginawang pelikula ni Direk Darryl na ipinalabas sa mga sinehan last December ay ang Para Kang Papa Mo, na pinagbidahan nina Mark Anthony Fernandez at Nikko Natividad.

Tiyak na ang susunod niyang ididirek na pelikula ay kaabang-abang, sa mga supporter man niya o bashers na mema lang. Nonie Nicasio

Previous articleDecriminalization ng libel ipinanukala sa Senado
Next articleLolo patay, 2 sugatan sa sunog sa Pasay