Home ENTERTAINMENT Direk Joel, nababahala sa mga showbiz death!

Direk Joel, nababahala sa mga showbiz death!

Manila, Philippines – Ibayong pag-iingat ang maipapayo ni direk Joel Lamangan following a series of showbiz deaths of late.

Senti ang direktor dahil at one point ay nakatrabaho niya ang mga ito.

Maging siya mismo ay “obedient” sa kanyang doctor’s orders.

Matatandaang last year ay sumailalim siya sa heart bypass.

When cleared and gjven a go-signal to work again ay sinunggaban na ni direk Joel ang trabaho.

Bilin daw kasi ng kanyang doktor, maaari niyang gawin ang nakasanayan niyang gawin but “in moderation.”

Isa nga sa mga offer na tinanggap niya ay ang role sa Batang Quiapo.

Conscious lang siya pag sasapit na ang “hora de peligro.”

Which means pag pumatak na sa kanyang cut-off time na alas diyes ng gabi, matik nang magdadayalog siya sa set ng: “Lalayas na ‘ko!”

No-no daw kasi kay direk ang magpuyat.

Gayunpaman, bitbit niya ang mga restrictions na ito sa kanyang pagdidirek.

Interestingly, he’s set to do a movie na mala-In the Realm of the Senses.

True-to-life story ito kung saan halaw sa kuwento in Japan back in 1936.

Pero paniniyak niya, ang gagawin daw niyang bersyon ay hindi kasinghalay ng orig.

On Batang Quiapo, in a way ay “spoiled” doon si direk Joel.

Bukod kasi sa kanyang 10 pm cut-off time ay kaliwaan pa raw ang bayad.

Ikaw na, direk Joel! Ronnie Carrasco III

Previous articlePBBM ‘FOCUS’ SA TRABAHO, POLITICAL OFFICER DUMIPENSA
Next articleBoyet, inisnab ng mga baguhan, bumuwelta!