Direktor ng ‘Oro Plata Mata’ na si Peque Gallaga, pumanaw na

Direktor ng ‘Oro Plata Mata’ na si Peque Gallaga, pumanaw na

May 7, 2020 @ 2:32 PM 3 weeks ago

  • 1
  •  
  •  
    1
    Share
Share

Manila, Philippines – Nasawi ang beteranong direktor na si Peque Gallaga nitong Huwebes, Mayo 7, bandang 11:45 ng umaga sa ospital sa Bacolod dahil sa pneumonia.

76-anyos ito nang pumanaw.

“He was a visionary and artist; a loving husband, father, and grandfather; and a dear friend. He has brought so much joy to so many people and he will always live in our memories and in his art,” ayon sa pahayag ng pamilya nito.

“There will be no service as we will observe safety precautions during these times. We are grateful for your thoughts, well-wishes, and prayers but we would appreciate some time to grieve as a family in private during this very painful time,” dagdag pa nila.

Ayon sa biyuda na nitong si Maddie Gallaga, agad na ike-cremate ito. “This is what he wanted and this is what we wanted,” she said.

Hinikayat din niya ang mga kaibigan nito na magsagawa ng sariling online memorial para sa direktor na nakatakda sanang magdiwang ng ika-77 na kaarawan nito sa Agosto.

“Let’s remember him at his best!” aniya.

“My mentor and best friend, Peque Gallaga just went home to his creator. I am so sad I was not able to say goodbye nor talk to him lately. Peque and I would often fight, but our love for each other would always prevail. He was one of my closest friends since I was young and my heart is so broken. Most of what of what I am now is what he taught me to be. Peque being a Virgo, was always full of surprises, last December 17, 2018 he surprised me with this message and song,” ayon sa post ni June Rufino, isa sa mga malalapit nitong kaibigan.

Nagkaroon ng magandang karera ang apat na dekadang pagiging direktor ni Gallaga mula sa unang pelikula niyang ‘Binhi’ (1973) hanggang sa ‘Tyanak’ noong 2014. Kilala siya sa classic film na “Oro Plata Mata,” na inilabas noong 1982.

Siya rin ang nag-direk ng “Scorpio Nights,” “Virgin Forest,” at “Shake, Rattle and Roll I.”

“Magikland” naman ang pinakahuling proyekto ni Gallaga. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Loading...