Home NATIONWIDE Disaster food banks para sa quick relief delivery isinusulong sa Kongreso

Disaster food banks para sa quick relief delivery isinusulong sa Kongreso

MANILA, Philippines- Sa 274 affirmative votes, inaprubahan ng Kamara nitong Miyerkules sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang nagtutulak ng pagtatatag ng disaster food banks at stockpiles sa buong bansa upang mapabilis ang paghahatid ng relief goods at iba pang supply sa panahon ng kalamidad.

Isinusulong ng House Bill (HB) 8463 ang pagtatatag at konstruksyon ng Disaster Food Bank and Stockpile sa mga probinsya at highly urbanized city sa bansa, kasama ang maintenance at paglalaan ng pondo para sa operasyon ng mag ito.

Ang HB 8463 ang konsolidasyon ng tatlong magkakaugnay na panukala na inakda nina Representatives Michael Morden ng API Party-list, Ivan Howard Guinto ng PINUNO Party-list at Alan Ecleo ng Dinagat Islands.

Sa ilalim ng panukala, ang disaster food bank and stockpile ang magsisilbong central repository ng pagkain, tubig, gamot, bakuna, antidotes, at iba pang critical medical products, medical kits, portable power at light source, kasuotan, tents, at communication devices.

Hindi bababa sa dalawang taon ang magiging shelf life ng nabanggit na items.

Kinakailangan sa pagtatatag ng stockpile ang inter-agency effort, sa pangunguna ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), at sa pakiki;ahok ng departments of public works and highways, trade, agriculture, science and technology, at interior and local government.

Manggagaling naman ang kinakailangang pondo sa pagtatatag ng stockpiles sa budget ng mga nabanggit na ahensya. RNT/SA

Previous articlePanukalang PH National Games oks na sa Kamara
Next articleDOLE: Higit kalahati ng ininspeksyong construction sites, lumabag sa OSH standards