Home NATIONWIDE Disaster risk reduction tinalakay nina PBBM, UN envoy

Disaster risk reduction tinalakay nina PBBM, UN envoy

MANILA, Philippines- Nagpulong sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Mami Mizutori, Special Representative of the United Nations Secretary General for Disaster Risk Reduction sa Palasyo ng Malakanyang.

Sa kalatas na ipinalabas ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi nito na nag-courtesy call si Mizutori kay Pangulong Marcos na  natapat naman sa pagdiriwang ng International Day for Disaster Risk Reduction.

“During the meeting, President Marcos Jr. and Special Representative Mizutori discussed strategies to accelerate the country’s disaster risk reduction and the preparations for the 2024 Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction,” ayon sa PCO.

Itinuturing ang 2024 Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction, kung saan ang Pilipinas ang tatayong host sa October 2024, bilang pinakamalaking ‘biennial conference’ sa disaster risk reduction sa Asia-Pacific.

Nauna rito, pinirmahan ni Pangulong Marcos ang Administrative Order No. 09 na lumikha sa Inter-Agency Committee, kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of National Defense (DND) bilang mga pangunahing ahensya para sa pagho-host ng bansa sa 2024 Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction.

Ayon sa DENR, ang nasabing komperensiya ay inaasahan na dudumugin ng 3,000 high level international delegates at global leaders para magbantay, rebyuhin palakasin ang kooperasyon para sa implementasyon ng Sendai Framework for Disaster Risk Reduction 2015-2030 sa regional level.

“The Sendai Framework, adopted at the Third UN World Conference on Disaster Risk Reduction in Sendai, Japan last March 18, 2015, aims to achieve the substantial reduction of disaster risk and losses in lives, livelihoods and health, as well as in economic, physical, social, cultural and environmental assets of persons, businesses, communities and countries over the next 15 years,” paliwanag ng Malakanyang.

Sa kabilang dako, bago pa makipagpulong kay Pangulong Marcos, nagsilbi munang keynote speaker si Mizutori para sa Barangay Leaders for Resilience Forum na tinawag na ‘Barangayan para sa Kalikasan at Bayang Matatag,’ araw ng Huwebes.

Samantala, ang event ay dinaluhan ng mahigit sa 500 barangay leaders mula sa iba’t ibang panig ng bansa para ipakita ang kasanayan sa kani-kanilang komunidad pagdating sa environmental protection, climate action at disaster risk reduction. Kris Jose

Previous articleShaina, pinatunayang ‘di siya buntis, tumungga ng alak!
Next articlePagtanggal sa EDSA People Power anniversary bilang holiday kinastigo